Chapter 2

4.4K 109 51
                                    

"Finn. Bilisan mo daw sabi ni Athena." Rinig kong sigaw mula sa kabilang side ng pinto ng kwarto ko.

"Opo. Pakisabi pababa na ako." Sigaw ko pabalik.

Nagmamadali kong kinulot ang huling dalawang section ng buhok ko kaya napaso ako. Inis akong napamura pero nagpatuloy pa rin ako dahil baka mainis si Athena kapag na-late sya dahil sa akin. Pagkatapos ayusin ang buhok ay naglagay ako ng konting blush on at liptint bago lumabas ng kwarto ko.

Pagkarating sa huling baitang ng hagdan ay hindi tumakas sa paningin ko ang mabilis na pagpasada ng tingin ni Athena sa akin. I was shocked because this is the first time Athena gave me that look. I want to assume she's jealous of me but I know that's not it.

The white blouse with black neck tie and gray vest is loose on my body while the dark gray skirt ends above my knee and I don't need high heeled shoes because I'm already tall so I just wear black loafers and I think there's nothing wrong with my look. I don't know what's wrong with Athena but she looked at me again before she irritably went out. Maybe she have her period.

Sumakay na ako sa passenger seat habang sa backseat si Athena. Tita Karen told me to never come near Athena dahil baka mahawaan ko daw sya ng kabobohan at patheticness ko. Sinusunod ko na lang sya para wala na lang gulo.

Wala sa sarili naman akong napangiti nang maalala si Caius at ang sinabi nya tungkol sa akin. Hindi ko aakalain na sasabihan nya ako ng ganoon. Alam kong walang ibig sabihin sa kanya iyon pero na-touch ako at mas nagustuhan ko lang saya lalo. I thought he think low about me but I am wrong. Ano man ang turing nya sa akin, kung classmate o kapatid lang ng girlfriend nya ay wala na akong pakealam. I am glad to hear those words coming from him.

"Good morning class! Second semester na kaya ibig sabihin, it's thesis time!" Masayang sabi ni Mrs. Supan na naka-ani ng mga negatibong reaksyon mula sa mga kaklase ko.

"Ako ang mag-gugrupo sa inyo para fair, okay?" Sabi nya kaya nanahimik na ang mga kaklase ko at wala ng nagawa.

Mula kay Mrs. Supan, lumipat ang tingin ko sa gitna. Caius is doodling on his notepad and I can't stop myself to admire him. Swerte si Athena at meron syang boyfriend na kagaya ni Caius. Masipag mag-aral, mabait at gentleman. How I wish he can be my boyfriend but the universe know that is impossible. Athena won't let him go besides they love each other.

"For group 3, Castellano, Vic Caius. Almasan, Kurt. Lacap, Rocel. Guillermo, Daniella and De Avila Elizabeth Finn. Go to your groupmates and seat at the middle part."

Nanlaki ang mga mata ko. Kagrupo ko si Caius! Kapag nga sineswerte ka! Pigil ang ngiti ko habang papunta sa pwesto namin. Nakapabilog na ang mga upuan at ang tanging bakanteng pwesto ay sa tapat ni Caius. Nang umupo ako ay nakayuko pa rin sya nag-doodoodle.

"Hi." Mahinang bati ko.

Tinanguan lang nila ako kaya natahimik at napayuko na lang ako.

"Si Caius ang leader." Sabi ni Daniella bago humagikgik.

Sinilip ko ang ang reaksyon ni Caius pero patuloy lang sya sa pag-doodoodle. Kumunot ang noo ko dahil mukhang wala sya sa sarili nya. May problema ba sya? Nag-away kaya sila ni Athena? Baka ganoon na nga dahil iritado si Athena kanina e.

"Hoy Caius! Si Athena!" Biro ni Daniella.

Mabilis inangat ni Caius ang ulo nya at tumingin sa labas. Tumawa naman si Daniella at mahinang hinampas ang braso ni Caius. Mas napayuko ako dahil sa pag-kirot ng dibdib. Iba talaga ang tama ni Caius kay Athena. Parang ako lang sa kanya.

"Maiwan ko na muna kayo. Make sure you talk about your thesis. No thesis. No graduation." Rinig kong sabi ni Mrs. Supan bago nagpaalam na aalis muna.

ENVY | SDS Present ✔ (TO BE EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon