Chapter 34

3.2K 65 11
                                    

There is a red car approaching us and Athena is very focused in holding me kaya hindi sya gumagalaw sa pwesto namin. Mababangga kami kung hindi kami aalis sa gitna ng kalsada so I forcefully pushed her with all my might when I saw the car inches from us. Then I jumped on the other side of the road before it can hit me.

Kumalabog ang puso ko nang tumigil ang sasakyan at may lalaking bumaba. I thought he will ask if we were okay but he suddenly grabbed me and I tried to take away his hold on me but he is strong.

"Teka lang. Sino ka?! Saan mo ako dadalhin?!" Kinakabahan kong tanong nang isakay nya ako sa kotse.

"Pasensya na, miss. Napag-utusan lang ako." He said before he put a cloth over my mouth.

Nagpumiglas ako pero malakas sya kaya wala na akong nagawa nang unti-unti nang bumagsak ang mga mata ko at nawalan ng malay.

I blinked before I finally opened my eyes. Mabilis akong napa-upo nang makitang nasa hindi pamilyar na kwarto ako. Linibot ko ang mga mata ko at mukhang nasa pan-lalaking kwarto ako dahil sa mga gamit. This is not Cauis' room.

Then I remembered that I was kidnapped so I quickly stood and went for the door. Kahit parang lalabas na ang puso ko sa dibdib ko ay hindi ako nagpa-pigil sa kaba ko. I silently opened the door at nang makitang walang tao sa sala ay tumakbo ako at pumunta sa front door.

"Sir Nigel?" Gulat kong tanong nang bumungad sa akin si Sir Nigel sa kabilang parte ng pinto.

"Sir? Ililigtas mo ba ako? Please, help me. Someone kidnapped me." I added as I held his arm.

Ngumisi sya sa akin kaya bumangon ulit ang kaba sa dibdib ko. Nagtataka ko syang tinignan bago mabilis na inalis ang hawak ko sa braso nya.

"Saan ka pupunta, Finn?" He huskily asked before he took steps towards me kaya napa-atras ako.

Napatingin ako sa likod ko nang tumama ako sa isang upuan. I flinched when he held my face kaya hinawi ko ang kamay nya at lumayo sa kanya.

"I don't understand. What am I doing here?" Kunot-noo kong tanong.

Bahagya akong naka-hinga nang maluwag nang hindi na sya lumapit pa sa akin pero nanatili ako sa dulo ng sala at dinikit ko ang katawan ko sa may bintana.

"I want you, Finn. Matagal na. Ikaw lang ang babaeng hindi ko pa natitikman." Naka-ngisi nyang sabi.

Kinilabutan ako nang malaswa nyang dinilaan ang mga labi nya. Hindi ko alam na bastos pala si Sir Nigel at nagawa nya ito sa lahat ng mga model sa agency namin. I'm sure Mr. Ashton doesn't know that Sir Nigel is a fucking nympho.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa gilid ng kurtina nang makita ang malaking vase na may bamboo sticks. I need presence of mind at hindi ko hahayaan na magawa sa akin ni Sir Nigel ang binabalak nya.

"Makukulong ka." I stated but he just laughed sarcastically.

"Edi sana noon pa." Natatawa nyang sabi. "Lahat sila nagpa-tikim sa akin kasi gusto nilang manatili sa agency."

Mabilis kong hinugot ang bamboo stick nang humakbang sya palapit sa akin. I gripped the bamboo stick tighter but it did not stopped the shaking of my hands.

"Stay there. Wag kang lalapit sa akin." I threatened but my voice is shaky dahil naiiyak na ako sa kaba at takot.

"Just give in, Finn." He said.

Pikit-mata kong hinampas sya ng bamboo stick bago tumakbo papunta sa front door. Paglabas ko ng hallway ay sumigaw ako but my mouth was immediately covered. Siniko ko si Nigel kaya nabitawan nya ako but he pulled my hair and dragged me by it. I tried to pull my hair back kahit masakit na ang anit ko pero mas mahigpit ang hawak ni Nigel.

ENVY | SDS Present ✔ (TO BE EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon