Chapter 25

3.6K 86 30
                                    

"La?" I called as I opened Lola Sol's bedroom door.

Nakita ko syang naka-upo sa kama nya habang nanunuod ng isang afternoon TV drama. She looked at me before she lowered the volume then I sat beside her. Nag-alala naman nya akong tinignan at wala pa man akong sinasabi ay naiiyak na ako.

"May problema ba? Ang tamlay mo magmula pa kahapong umuwi ka galing Romblon." She asked and as if she said a magic word, my tears started falling.

"Gusto ko pong magalit sa pamilya ko, Lola." Iyak ko.

"Bakit naman?" Mahinahon nyang sabi sabay abot sa akin ng box ng tissue.

"Gusto ko po silang sisihin dahil pinaramdam nila sa aking hindi ako importante. Si Athena, si Tita Karen at lalo na si Daddy. Pero hindi ko po kaya."

"Mabait kang bata, Finn. Noon pa mang una kitang nakilala, alam ko ng mabait ka kaya mabuti yang hindi ka nagtatanim ng galit sa pamilya mo pero hindi ko naman sinasabing tama ang ginawa nila."

Those words only made me cry more kaya mabilis akong yinakap ni Lola Sol at sa balikat nya ako umiyak, just like always.

"Sa loob ng halos anim na taon, bakit ngayon mo lang nailabas ang sakit ng loob mo?" Lola Sol asked after I calmed down.

Yumuko naman ako at tinignan ang tissue sa kamay.

"Wag ka ng mahiya, Finn." She said so I looked at her.

"Hindi ko po kasi matanggap-tanggap yung pagmamahal ni Caius kasi pakiramdam ko na... hindi ako sapat para sa kanya kasi yun po ang pinaramdam sa akin ng pamilya ko." Naiiyak kong sabi. "Kaya gusto ko silang sisihin kasi nasasaktan ko si Caius pero alam ko naman pong... nasa akin ang problema." I cried the last words so Lola Sol held my hand.

"Alam kong mahirap ang pinagdaanan mo at gusto kong sumaya ka, Finn. Hindi mo naman kasalanan iyon dahil resulta lamang ito ng naranasan mo sa pamilya mo kaya wag mo ng isipin yun, apo." She said.

"Wala namang ibang makakasagot sa problema mo kundi ikaw. Alam kong mahirap kalabanin ang sariling nararamdaman pero hindi ka kailanman sasaya kung ikaw mismo, pinipigilan mo ang sinasabi nito." Sabi ni Lola Sol tapos ay itinuro ang dibdib ko at alam ko namang ang puso ko ang ibig nyang sabihin kaya lalo lang akong naiyak dahil naiintindahan ko ang gusto nyang iparating.

"Aayusin ko po muna ang problema ko sa sarili ko para kapag tinanggap ko na ang pagmamahal ni Caius ay buong-buo ko syang mamahalin pabalik." Sabi ko na nakapagpa-ngiti kay Lola Sol.

"Tama na yang iyak. Halika at magluluto ako ng minatamis na saging." Natatawa nyang sabi sabay punas sa mukha ko.

Natawa naman ako sa ginawa ni Lola Sol. "Masyado pong matamis yun, La. Tataba ako nyan e."

"Wala munang diet diet. Tara na dahil mamayang konti ay darating na rin si Kitty." She said before dragging me up.

Mula nang mag-usap kami ni Lola Sol ay sinubukan ko ng buuin ang totoong confidence ko sa sarili ko. I avoided negative thoughts that give me negative feelings. Hindi ko na inisip na mas lamang sa akin si Athena dahil may sarili akong kakayahan. Hindi ko na inisip ang sinabi sa akin Tita Karen na katulad ni Mommy ay wala akong kwenta dahil alam ko namang hindi totoo iyon. At lalong lalo nang hindi ko na inisip ang pag-abandona sa akin ni Daddy dahil may mas maganda akong pamilyang natagpuan.

Palagi kong iniisip ang mga sinabi ni Caius at ni Lola Sol. I always think of them para mas palakasin pa lalo ang loob ko. Especially Caius who is always sending a bouquet of flowers at our house. He just made me feel that he cares for me despite our distance. I know he is already waiting for me that's why I more determined to make myself okay para maayos na namin ang amin.

ENVY | SDS Present ✔ (TO BE EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon