Chapter 7

3.6K 102 19
                                    

Saktong alas otso ng umaga nang pumasok ako sa classroom namin. It was quarter to seven when I left our house but I went straight to Lola Sol's carideria to check on them. Doon na rin ako nag-almusal kasama sila kaya magaan ang pakiramdam ko nang pumasok ako.

I spent my whole day yesterday with them. We helped Lola Sol in her chores around the house and she taught me on how to cook adobo. Masaya ako nang malaman na masaya si Lola Sol at Kitty sa piling ng isa't-isa. Before I went home I reminded Kitty to help Lola Sol around the house para hindi sya gaanong mahirapan.

I apologized to Mrs. Supan when I entered our class and quickly sat on my seat. Habang nagsusulat ng notes ay nahagip ng mga mata ko si Caius na sapu-sapo ang ulo nya. My brows met more when Mrs. Supan called him for recitation but he didn't stand not until Hades kicked his chair. Hindi nya nasagot ang tanong ni Mrs. Supan at halata sa boses nya ang pagod.

Nag-away kaya sila ni Athena? Ngayon ko lang nakita na lutang si Caius. Baka pinag-awayan nila ang pag-kalimot ni Athena sa date nila. Or was he upset that we will move abroad? Of course masama ang loob nya kasi magkakalayo sila ni Athena. I sighed and just looked at my notes.

Nang umalis na si Mr. Solis ay inayos ko na ang mga gamit and when I stood up, I caught a glimpse on Caius. His head is hung low as he stood and he lazily grabbed his bag. Umiwas na ako ng tingin at kinuha na ang shoulder bag.

I confirmed my theory na baka nag-away talaga sina Caius at Athena dahil linagpasan lang ni Caius ang room nina Athena at dire-diretso lang syang naglakad kasama ang mga kaibigan. Hindi ako masayang nag-away sila dahil nasasaktan ako na nakikita kong malungkot si Caius.

Nang napadaan ako sa classroom nina Athena ay mas nalukot ang mukha ko nang makita ko na masayang nakikipag-kwentuhan si Athena. She has the guts to be carefree when her boyfriend is upset.

Before Athena could see me, I continued walking then I felt my phone vibrated on my bag so I fished it out and saw a text message from an unknown number.

'Hi, Finn. This is Wayne. Let's have lunch together? I'll wait for you in the gates.'

Mas binilisan ko ang paglalakad ko dahil naghihintay si Wayne at ayaw ko naman magpa-importante gayong hindi naman ako importante. When I went out, I saw Wayne leaning on the wall under the waiting shed beside the gates. I waved my hand when he looked at my way.

"Hi. Paano mo pala nakuha yung number ko?" Naka-ngiti kong tanong. Tumayo naman sya ng maayos at nag-kamot ng batok.

"I have my ways." He sheepishly said. Napa-ngiti na lang ako sa sinabi nya.

"Where do you want to eat?" He asked.

Hindi ako agad naka-sagot dahil nag-dadalawang isip ako kung sasama akong mag-lunch sa kanya. He said that he likes me and I don't feel the same way at baka kapag sumama ako sa kanya ay mag-assume sya na pareho kami ng nararamdaman.

I think Wayne saw my uncertainty kaya hinawakan nya ang balikat ko at binigyan ako ng isang ngiti.

"Danae won't see us, Finn." He assured before he removed his hand on my shoulder.

"It's not that, Wayne. Ano kasi e---"

"Na-aawkward ka ba dahil sinabi kong gusto kita?"

Nahihiya ko syang tinignan at hindi ako nakasagot. Inakbayan nya ako kaya napatingin ako sa kanya. Wayne gave me a boyish smile before he removed his arm around me.

"Wag mo na munang pansinin yung pag-amin ko sa iyo. Let's be friends, for now." Naka-ngiting sabi nya.

"Secret friends." Natatawa kong sabi kaya natawa rin sya.

ENVY | SDS Present ✔ (TO BE EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon