Chapter 14

3.3K 94 20
                                    

"9,300 lahat ng kinita ng mga nabentang damit mo, Finn." Sabi ni Lola Sol kasabay ng pag-abot sa akin ng pera.

Binilang ko naman ito bago ibinigay ang 5,00 sa kanya. "Para po yan dito sa bahay. Mga bills natin at mga groceries." Naka-ngiti kong sagot.

"Hindi naman kailangan--"

"Lola, tanggapin nyo na po." Sabi ko kaya mabilis nya akong yinakap.

Napa-ngiti naman ako lalo bago sya yinakap pabalik.

"Sige po, La. Magbibihis lang ako." Paalam ko nang humiwalay sa yakap.

Sabado ngayon at naisip ko na maghanap pa ng isang raket para mas productive ang weekends ko. Hinubad ko na ang daster bago namili ng susuotin sa aparador ko. The old cabinet in my room is full of Lola Sol's old clothes when she was younger so I thought to just use them instead of buying another set of clothes. Ayaw ko nang mag-aksaya ng pera lalo na ngayong pinag-hihirapan ko silang kitain.

Alam kong hindi ko style ang mga damit na ito pero alam kong walang panahon para mag-inarte ako. Okay nang pagtawanan ako kaysa walang maisuot. I wore a white blouse and tucked it in a green floral skirt that ends on my calf. Inipit ko ang buhok ko bago ni-clip ang bangs sa gilid tapos ay isinuot ang puting rubber shoes.

Nag-paalam na ako kina Lola Sol at umalis na para maghanap ng trabaho. Habang naglalakad ay hindi ko mabura sa isip ko si Caius. Matapos ang araw na iyon ay hindi na ulit kami nag-usap. Ayokong umasa sa mga ikinikilos nya dahil alam kong naaawa lang sya sa kalagayan ko. Gusto ko si Caius kaya lang ay nakakasawa nang umasa na parang mababago nito ang namamagitan sa amin.

I felt like he was only doing all of those because Athena is gone. That he was just lonely and helping me out is the only thing that can make him feel okay. But that is what's making me hope too much and it hurts really really bad. Masakit umasa sa walang kasiguraduhan.

"Pwede ka na bang magsimula ngayon?" Tanong sa akin ni Ms. Emma, ang may-ari ng bakeshop sa gilid ng elementary school sa katabing barangay namin.

Laking pasalamat ko dahil malapit lang ito kina Lola Sol at pwedeng lakarin. Makakatipid ako sa pamasahe. Nag-pasalamat din ako kay Ms. Emma dahil pumayag sya na tuwing weekends lang ako pumasok.

6 am to 5 pm daw ang oras ng trabaho at libre pagkain at snacks. May kasama naman akong isa pang tindera kaya okay na itong trabaho. Mas madali ito kaysa mag-isang maglinis ng restaurant.

"Hi, ako si Finn." Pakilala ko sa babaeng mukhang matanda lang ng ilang taon sa akin.

"Ako naman si Lea." Pakilala naman nya.

Pagkatapos ay tinuruan nya ako sa mga gagawin namin. Mabait si Lea at madaling makapalagayan ng loob. Nalaman ko rin na 23 years old na sya at natigil sa pag-aaral dahil daw mahirap lang sila. Nahirapan man ay masaya pa rin ako dahil may bago akong kaibigan.

After my work in the bakery, I immediately rode a jeep to go the mall dahil 6 pm ang umpisa ng trabaho ko sa restaurant. Ayaw kong ma-late at baka masesante ako. Pagdating doon ag sinuot ko na ang uniform ko at nagsimula ng maglinis sa mga area na wala ng customer.

Mabuti na lang at heavy snack ang miniryenda namin ni Lea kundi ay baka nahimatay na ako sa pagod. Iniisip ko na lang sina Lola Sol at Kitty para hindi ako panghinaan ng loob. Gusto ko rin na pagbalik nina Daddy dito ay maayos ang buhay ko. I want them to see that I am not miserable without them.

It was almost 10 pm when I closed the restaurant. The lights in the mall are already dimmed kaya nagmadali na akong lumabas. Nanlalambot man ay pinilit ko pa ring ngumiti kahit walang dahilan dahil gusto kong pagaanin ang loob ko.

ENVY | SDS Present ✔ (TO BE EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon