Chapter 16

3.4K 94 21
                                    

"Lola?"

Agad naman akong liningon ni Lola Sol at umupo sa harap ko.

"Umagang-umaga, naka-busangot ka?" Sabi nya.

Napa-buntong hininga naman ako dahil sa sinabi nya.

"Paano nyo po nalaman na mahal kayo ni Lolo Bong?" Tanong ko na nakapagpa-liwanag sa mukha nya.

Tumayo muna si Lola Sol at pinatay ang kalan bago umupo ulit sa harapan ko. Alas sais pa lang ng umaga at kahit puyat ay buhay na buhay na ang sistema ko.

"Syempre sinabi nya sa akin ang nararamdaman nya. Ipinagtapat nya iyon sa pamamagitan ng pag-harana sa akin." Naka-ngiting sabi ni Lola Sol na para bang sariwa pa rin sa alala at puso nya ang nangyari.

"Wala na po bang ibang signs?"

Hinarap naman nya ako at lalong lumapad ang ngiti nya.

"Gusto mo si Caius, ano?" Nanunukso nyang sabi na agad ko namang pinamulahanan.

"Naku, Finn. Kaya pala hindi mo masagot-sagot yung si Wayne ay dahil si Caius ang gusto mo." Dagdag nya kaya wala na akong ibang nagawa kundi ikwento kay Lola Sol kung ano talaga ang nararamdaman ko para kay Caius.

"Magtapat ka sa kanya para malaman mo kung may gusto rin ba sya sa iyo. Sa tingin ko naman ay pareho kayo ng nararamdaman." Sabi ni Lola Sol matapos akong mag-kwento.

Nagsalum-baba naman ako sa mesa at bumuntong-hininga. Sana nga ganoon na lang iyon para mas madali.

"Imposible pong magustuhan nya ako dahil mahal na mahal nya si Athena." Sagot ko.

"Kung mahal nya yung si Athena dapat ay hindi ka nya trinatrato kung paano ka nya trinatrato ngayon." She said in a 'matter-of-fact' tone.

Tapos na ang birthday ko kaya tapos na rin ang pag-aassume ko na gusto ako ni Caius. I told him I feel unimportant kaya siguro nya nasabi ang mga salitang iyon. Gusto lang nyang pagaanin ang loob ko kaya ganoon. Yan ang mga katotohanang sumisiksik sa isip ko magmula pa kagabi.

Imposibleng magustuhan ako ni Caius dahil mahal na mahal nya si Athena at wala man lang ako sa kalingkingan nya kaya paano mangyayaring magkakaroon sya ng feelings para sa akin?

"Baka po naawa lang?" Patanong kong sagot.

Umiling naman si Lola Sol habang bahagyang natatawa. "Basta ako, Finn, pakiramdam ko ay may nararamdaman din para sa iyo yang si Caius dahil tignan mo kung paano mag-effort para sa iyo. Ano nga ba ang tawag doon? Ah oo, wag kang indenial." Sabi ni Lola Sol bago hinaplos ang kamay ko tapos ay bumalik na sa pagluluto.

I am not indenial because I know that it takes the end of the world before Caius would even like me. Isang malaking insulto kapag nagustuhan ako ni Caius. Sabi nga nila 'nasa papag na, lumipat pa sa sahig'.

I sighed before deciding to get ready for school. Since tapos na ang exams ay pagtutuonan na namin ng pansin ang thesis namin. Ang naisip ko ay kunin na lang ang part ko tapos ay sa computer shop ko na lang gagawin dahil una, ayaw kong manghiram ng laptop kay Caius dahil siguradong mas mahuhulog lang ako sa kanya at pangalawa, gusto kong maghanap ng daytime job kahit ngayong buwan lang. Pandagdag din sa ipon ko iyon.

I wore a plain khaki midi skirt and a white blouse before wearing my white sneakers. Classic at maluwang man ang mga damit ay okay lang sa akin dahil ang unique kaya ng mga outfit ko. Parang nasa 70s ako. Kinuha ko na ang tote bag ko bago nagpaalam na papasok na.

Mabuti na lang hindi required na mag-stay sa school kapag gagawa ng thesis basta daw siguraduhin na gagawin ang thesis kahit wala sa school premises. While walking, students laughed at me but I didn't mind them. Wala akong mapapala kung papatulan ko sila. Mas masama naman siguro kung wala akong suot na damit.

ENVY | SDS Present ✔ (TO BE EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon