Chapter 39

3.5K 92 13
                                    

"Lola? Sasamahan ko po muna si Danae. Sandali lang po ako." Paalam ko kay Lola Sol.

"Mag-iingat ka, ha? Isama mo si Luis."

Tumango naman ako bago nagmano tapos ay lumabas na ng bahay. Sumakay na si Kuya Luis sa driver's seat tapos ay sinabihan ko na syang pupunta kami sa condo nina Danae. As we are travelling, I can't help but to stare outside.

This is the first time, I went outside. Wala pa talaga akong balak lumabas pero hindi ko naman hahayaan si Danae na lumakad mag-isa. She told me last Saturday that she thinks Xavier is having an affair with his ex-fiancè and she wants to confirm it kaya susundan namin sya ngayon.

"Saan na tayo ngayon?" Tanong ko nang sumakay na sya sa sasakyan.

"Sa Palacè Mall tayo, Kuya Luis." She said to Kuya Luis who just nodded as a response. "I heard him last night that they'll meet today. Magla-lunch date pa ata sila." Inis nyang sabi.

"Paano kapag nakumpirma nating may babae nga sya?" Tanong ko naman kaya bahagyang lumambot ang ekspresyon nya.

"I'll talk to him?"

"Talk to him then ask him what's his plan. Syempre magkaka-anak na kayo kaya hindi pwede na mambaba-babae sya." Sabi ko sa kanya. She just nodded at me so I hugged her to let her know that she's not alone in this.

Nang makarating na kami sa mall ay bumaba na kami kasama si Kuya Luis. I hooked Danae's arm on mine para masuportahan sya. Pasimple kaming sumisilip sa loob ng mga restaurants na nadadaanan namin tapos minsan ay si Kuya Luis ang pinapapasok namin para ipatingin kung nandoon ba si Xavier.

Dahil halos kalahating oras na kaming naghahanap ay napagod na si Danae kaya umupo muna kami sa mga bench na nasa gitna ng mall.

Habang naka-upo ay inikot ko ang paningin ko at hindi kalayuan sa pwesto namin ay nakita ko na si Xavier na may kasamang babae na papasok sa isang stall.

"Target locked." Sabi ko kay Danae kaya tumingin din sya sa tinitignan ko.

Agad nya akong hinila patayo tapos ay dahan-dahan kaming naglakad papunta sa stall na pinasukan ng dalawa. Para kaming tanga nang sumilip kami sa entrance ng isang buffet restaurant.

"Welcome to Mangan Naka."

Napa-pitlag kami dahil sa crew na bumati sa amin. We both glared at her before we sat on the bench in front of the restaurant. Not that far from the entrance is Xavier with a woman. They are so engrossed talking with each other kaya hindi nila kami napapansin.

I can't believe Xavier will cheat on Danae. Oo, hindi nya sya mahal pero kasal sila at magkaka-anak na kaya dapat he'll stay faithful to her no matter what. I thought he man up but look at him now. Now I feel very lucky that Caius loves me and is faithful to me too.

"Call him." Sabi ko kay Danae.

I squeezed her hand when I saw that she's staring at them. I know that Danae loves Xavier but he does not love her back kahit pa magkaka-baby na sila. Pinakikisamahan nya lang sya dahil sa anak nila kaya nasasaktan ako para sa kanya.

"Ah.. yeah. Wait." She said before she fished out her phone from her sling bag while still staring at them.

I saw how her face changed from emotionless into hurt and disappointed as she talked with Xavier. After the call, she immediately stood and told me that she wants to go home already. Tahimik ko lang syang inalalayan hanggang sa makarating kami sa sasakyan.

I put her head in my shoulder as I side hug her. Sinabihan ko si Kuya Luis na dumaan muna kami sa opisina ni Caius para personal akong makapag-paalam sa kanya na sasamahan ko muna si Danae. Wala pa kasi akong cellphone at hindi ko alam ang contact number nya.

ENVY | SDS Present ✔ (TO BE EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon