"Wala ka bang pasok, Finn?" Lola Sol asked.
"Wala po. Tutulong na lang muna ako dito sa carinderia." Sagot ko habang naglalagay ng mga bottled juice sa ref.
"Buti naman at nang makapagpa-hinga ka muna."
"Sya nga pala, La. Sa Biyernes may retreat kami hanggang Linggo ng umaga." Sabi ko nang matapos sa ginagawa.
"Nagkita ba kayo ni Caius kagabi? Nagpunta sya dito at hinahanap ka." Sabi Lola bago ako hinarap.
Umupo naman ako sa mesa at bumuntong-hininga dahil naalala ko lang ang nangyari kagabi. Hindi ko na sya na-libre kagabi dahil hinatid na nya ako kina Lola Sol. He insisted that I should just take a rest because I had a long day. Lalo lang akong kinilig dahil doon kaya kahit pagod ay hindi ako agad nakatulog.
"Uy, Finn. Natulala ka dyan?"
I blinked because Lola Sol tapped my hand. Tinignan ko sya at may nakakaloko syang ngiti.
"Pag-ibig nga naman." She said before going back behind the counter.
Napa-iling na lang ako dahil sa panunukso ni Lola Sol. Habang wala pang gaanong customer ay naisip kong basahin na ang librong ibinigay ni Caius. I am so curious about what's so special in this book and why Caius chose to give it to me.
For almost three days ay binasa ko ang libro sa bawat libreng oras ko. Nagtataka nga ako dahil hindi ko pa nalalaman ang rason kung bakit ibinigay ni Caius ang librong ito. It's a mystery with a little amount of romance.
It's a story about a professional detective named Anthony Walker who is investigating a chain murder around America. He was partnered with an amateur detective, Jessica Anderson, who has a crush on Anthony ever since they've been together.
Minsan nga ay sumasakit ang ulo ko dahil sa mga clues and codes na nakalagay at naisip ko na baka ito ang gustong ipasagot sa akin ni Caius pero wala naman itong sense.
"Muntik ka nang maiwan, Ms. De Avila. Take your seat now." Seryosong sabi ni Mrs. Supan nang umakyat ako sa bus.
I mumbled a sorry before I looked ahead. Bakante pa ang dulong seats kaya doon na lang ako uupo. While walking in the aisle, someone grabbed my wrist kaya napatingin ako sa left side and I felt my cheeks burn when I saw it was Caius holding my wrist.
"Seat here." He said before standing up.
Wala na akong nagawa dahil ramdam ko lahat ng mga mata ay nasa amin. I sat stiffedly when Caius sat beside me. Naalala ko na naman ang huling pag-kikita namin kaya sandali akong napa-pikit.
"20 all in all so we're good to go." I heard Mrs. Supan announced before the bus started to move.
5 am pa lang kaya madilim pa sa labas. Tahimik lang akong nakatingin sa labas at hindi ko maiwasan makaramdam ng pang-hihinayang. If this isn't required, I won't participate in this. Magastos na nga, nasayang pa ang tatlong araw kong trabaho. Mabuti na nga lang at mabait ang mga amo ko at hindi ako babawasan ng sweldo sa mga araw na hindi ako makakapasok.
"Are you sleepy?" Lumipat ang tingin ko kay Caius.
Pinigilan ko ang pag-ngiti ko nang makita ang nakasuot na hood sa ulo nya. Ang cute nyang tignan.
"Nope. Naiisip ko lang yung mga trabaho ko." Pag-amin ko.
"Think of this as your day-off, Finn." He said with a smile.
Tumango na lang ako bago tumingin sa harap. Then my eyes landed on the dark blue travel neck pillow Caius put on my lap before I looked at him.
"Use it. Pinag-baon talaga kita para maging comfortable ka sa byahe." He said before he put his own pillow over his nape.
BINABASA MO ANG
ENVY | SDS Present ✔ (TO BE EDITED)
General FictionEnvy is when one lacks another's superior quality, achievement, or possession and either desires it or wishes that the other lacked it. | Seven Deadly Sins Present _________________________________________ This story is not thoroughly edited so expe...