Chapter 12

3.4K 91 27
                                    

"Ms. De Avila, you're late again." Mrs. Supan said in an authoritative voice when I entered our classroom.

I mumbled a sorry before I sat in my seat. I put my still wet hair in a messy bun before I tried to focus on Mrs. Supan's discussion but my mind contantly drift to my situation.

"Ms. De Avila. Ms. De Avila." Napatayo ako dahil sa pagtawag sa akin ni Mrs. Supan.

Tinawanan ako ng mga kaklase ko dahil sa naging reaksyon. Tinignan ko na lang si Mrs. Supan at nakita ko ang disappointed nyang itsura.

"Is there a problem, Ms. De Avila?"

"Her family moved to New Zealand and they left her, Ma'am." Danae said before laughing at nakitawa din ang iba kong mga kaklase.

Tinignan ko naman sya bago dumapo ang tingin ko kay Caius. Mabilis akong nag-iwas ng tingin nang magtama ang mga mata namin ni Caius. Ngayon nasa tamang wisyo na ako ay ngayon ko naramdaman ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

"What are you saying, Ms. Guillermo?" Nagtatakang tanong ni Mrs. Supan bago nya ako binalingan ng tingin. "Is it true, Ms. De Avila?" She asked.

I raised my chin and looked at her. Hindi ko hahayaan na kaawaan ako dahil lang sa sitwasyon ko. Kawawa na nga ako, magpapa-awa pa ba ako?

"Yes, Ma'am." Sagot ko bago umupo.

Hindi agad nakasagot si Mrs. Supan at pinili na lang na ibalik ang usapan sa lesson namin. She did not called me nor gave me any attention kahit pa alam kong nakikita nya ang paglipad ng isip ko sa kung saan saan.

Mommy said to be always good but she also said to be strong para hindi ako maging kawawa lalo na kapag wala na sya. This is the great time to practice that. Kung naging matatag ako noon ay mas magiging matatag ako ngayon.

"Sya nga pala, class. Don't forget to pay for your balance in your tuiton, kung meron man, dahil hindi kayo mag-gagraduate kapag hindi kayo fully paid." Nakuha ang atensyon ko dahil sa sinabi ni Mrs. Supan.

Hindi ko alam kung buo na ba ang bayad ko sa tuiton fee dahil si Daddy ang nag-aasikaso noon. Kailangan kong mag-graduate para makapasok ako ng college kaya hindi ko hahayaan na balance sa tuiton fee ang sisira noon. Since Mrs. Supan gave us some time para pumunta sa registrar ay hindi na ako nag-sayang pa ng oras.

"15,000 pa po ang balance mo sa tuiton fee, Ms. De Avila." Sagot ng registrar.

Nanlumo naman ako sa narinig. Alam ko before the year ends, binabayaran na ni Daddy ang tuiton ko pero sana ngayong iniwan nya ako ay hinayaan man lang nyang mag-graduate ako.

"How about Athena Kaye De Avila?" Sabi ko sa registrar.

"Dropped na sya last year pa pero bayad naman ang tuiton." She answered.

Kung sinong dropped sya itong buo ang bayad sa tuiton. Nagpasalamat na ako sa babae at nanlulumong bumalik sa classroom. Pagpasok ko ay humina ang pagbubulungan ng mga kaklase ko. Halata na ako ang pinag-uusapan. Hindi ko na ito pinansin at umupo na lang sa pwesto ko.

I took my wallet and checked my last money. I did not prepared for this situation kaya wala akong ipon. Kailangan ko ng pera para sa pang araw-araw kong gastusin. Ayaw kong basta lang makitira kina Lola Sol kaya dapat magshare din ako para sa mga bills. Tapos kailangan ko pa ring bayaran ang balance sa tuiton ko. Hindi magkakasya ang 5,000 sa wallet ko kaya kailangan ko ng pagkukuhanan.

Then I saw my phone and Ipad. I think kailangan ko silang ibenta para magkapera ako. Mas maganda na rin siguro kung maghahanap ako ng part time job. Tutal ay 4 pm ang uwian namin, kakayanin ko na ang night shift. Mamayang pag-uwi ay sisimulan ko ng maghanap ng trabaho. Magsisikap ako at hindi ko hahayaan na maging miserable ang buhay ko dahil lang iniwan ako ni Daddy.

ENVY | SDS Present ✔ (TO BE EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon