"Pwede ba. Lumabas ka na nga ng bahay nyo. Para kang tanga. Hello, may trabaho ka po kaya." Sermon sa akin ni Danae over our video call.
"Baka magkita kasi kami ulit. Alam mo bang pakiramdam ko na magpapaka-tanga na naman ako kapag nagkita kami ulit." Sagot ko naman.
She just rolled her eyes before she rolled over her bed and went out on her balcony.
"It's been a week, Finn. He didn't even tried to find or contact you, diba? Ibig sabihin hindi ka nya hinahanap."
I glared at her because I felt my heart ached with what she said.
"What? I am just being honest with you Finn. Ikaw lang itong nag-ooverthink. So what kung mahal mo pa rin sya? Ipakita mo na lang kung ano ang sinayang nya."
"Fine. Fine." Sabi ko na lang bago pinatay ang tawag.
Isang linggo na ang dumaan noong nagkita kami sa Hots. At isang linggo na rin akong nagkukulong sa bahay. I am so afraid because I know that the moment I laid my eyes on him, I'm doomed again. Mahal ko pa rin sya at hindi kaya ng anim na taon na burahin ang nararamdaman ko sa kanya.
"Ate Finn. Nandyan yung boss mo tsaka si Tita Sam." Kitty said.
Tumango na lang ako bilang sagot bago bumaba. Naabutan ko si Sir Nigel at Mami Sam sa sala. Sigurado akong papagalitan nila ako dahil sa isang linggong hindi pagtatrabaho.
"Hi Sir Nigel. What brings you here?" Tanong ko nang umupo sa side sofa.
"We have a client who wants you to endorse his firm." Diretsang sagot ni Sir Nigel na nakapagpa-laki ng mga mata ko.
"Wait, a firm?" Nagtataka kong tanong.
Tumango naman sya. "Yes. He wants you to be in his advertisement." Sagot nya.
Gulat lang akong napatingin sa kanilang dalawa ni Mami Sam. I did lots of TV commercials and all of those are mostly about fashion kaya naguguluhan ako kung bakit kukunin ako bilang endorser ng isang firm.
"Accept it, Finn. The client is willing to pay any amount just so you can be the endorser."
"Sure." Sagot ko kahit nagtataka pa rin. Sayang naman kasi ang kikitain doon at siguradong kamukha lang ito ng iba kong commercials.
Mami Sam was the one who signed the contract for me since he is my manager. Nang umalis na sila ay pumunta muna ako sa kwarto ni Kitty. Napa-ngiti ako nang makitang busy sya sa pagta-type sa laptop nya.
Kitty grew up beautifully. Kung dati ay cute sya ngayon ay dalagang-dalaga na sya. I am so happy that she didn't changed after so many years. Mabait at masipag pa rin sya.
"You busy?" I asked and leaned on her study table.
Hinarap naman nya ako bago tumigil sa pagta-type.
"Tinatapos ko lang yung reaction paper ko." Sagot naman nya kaya tumango ako.
"Mukhang may problema ka, Ate Finn? Napansin kasi namin ni Lola Sol ang madalas mong pagkukulong sa kwarto." Sabi nya.
I sighed and walked towards her bed. Sumunod naman sya at nag-aalala akong tinignan.
"Nakita ko kasi si Caius doon sa isang event na pinuntahan ko." Mahina kong sagot.
"Talaga? Gwapo pa rin ba sya, Ate?" Excited nyang tanong kaya bahagya akong natawa.
"Oo. Gwapong-gwapo pa rin." Sagot ko naman.
"Ihhh, gusto mo pa rin sya no?" Tukso ni Kitty kaya agad akong umiling pero nanatili lang syang malapad na naka-ngiti sa akin.
"Indenial ka pa rin hanggang ngayon. Sigurado ako matutuwa si Lola Sol kapag nalaman nya ito." She said before she quickly ran.
BINABASA MO ANG
ENVY | SDS Present ✔ (TO BE EDITED)
General FictionEnvy is when one lacks another's superior quality, achievement, or possession and either desires it or wishes that the other lacked it. | Seven Deadly Sins Present _________________________________________ This story is not thoroughly edited so expe...