Chapter 23

3.7K 92 22
                                    

"What made you change your hair color?" Tanong ko kay Danae.

Noong huli ko syang nakita ay pink ang buhok nya ngayon naman ay blonde. Lahat na yata ng kulay ng buhok ay na-try na nya samantalang ako ay puro wig lang ang gamit dahil ayaw kong ipagalaw ang buhok ko dahil kay Mommy ko ito namana.

"It's my birthday, duh. My party is in Midnight." Sabi nya pero agad akong umiling.

"Birthday ko naman e. Ang sama mo." Danae said before pouting.

I rolled my eyes at her before fixing my baseball cap. At dahil kambal sila ni Hugo syempre pareho sila ng birthday kaya ibig sabihin ay nandoon din sya sa party. I sipped from my milktea before answering her.

"Let's have our own celebration. Yung tayong dalawa lang, as bestfriends. My treat."

"Uubusin ko naman lahat ng milyones mo." She threatened.

"Okay lang." Sagot ko which made her whine.

"You're ready to give up all your fortunes just so you can't meet Caius in my party?" She said unbelievably.

"Sinabi ko naman kung bakit, diba?"

Halos dalawang linggo na ang lumipas mula nang nagka-sagutan kami ni Caius. Hindi ko alam kung malulungkot o masisiyahan ba ako dahil sa hindi nya pagpapakita sa akin matapos ang araw na iyon. It only proved that he really doesn't love me.

"Pumunta ka na kasi. I promise, hindi ko hahayaan na makalapit sya sa iyo. Please, Finn."

I unbelievably looked at Danae kaya wala na akong nagawa kundi um-oo. I can't resist my bestfriend, after all.

"You're a model, Finn. What the hell are you wearing?" Inis na singhal sa akin ni Danae nang batiin ko sya.

Sa isang private club ang party ni Danae at hindi pa gaanong magulo dahil nag-uumpisa pa lang ito. There are other people already dancing on the dancefloor kahit hindi pa ganoon kalakas ang music.

"These are clothes, Danae." Sarcastic kong sagot sa kanya.

Inis naman nyang pina-ikot ang mga mata bago ako hinila sa isa sa mga lounge sofa. Paanong hindi sya maiinis e, naka-white shirt, high-waist denim pants at white sneakers lang ako which is clearly not the right outfit for this occassion.

"Hi, Finn." Bati ni Hugo na syang naabutan namin sa lounge sofa.

"Hi. Happy birthday." Bati ko naman and he just answered with a smile and nod.

He left when a woman called him. Danae just cringed while looking at her twin kaya bahagya akong natawa.

"I'm gonna be so fucking wasted tonight, Finn." She said before drinking straight 2 glasses of what I think is margarita.

"Choose your poison, Finn. Staring at me won't make you drunk." Dagdag pa nya kaya napa-iling na lang ako.

Kumuha na lang ako ng isang cocktail drink. Plano yatang lasingin ni Danae ang lahat ng bisita nya dahil sa tingin ko lahat ng lamesa ay puno ng iba't ibang klase ng alak.

When I'm on my third glass, nagpaalam muna si Danae na pupuntahan ang ibang bisita kaya naiwan akong mag-isa sa sofa. I looked at the time and it says 10:38 pm and I thought that I'll leave when it's 11. Baka kasi makita ko pa dito si Caius and besides I still have a flight tomorrow.

And as if he knows I am trying to avoid him, I saw Caius walking his way towards my place. Kahit nagsimula ng gumulo ang puso ko ay kaswal lang akong umupo at umimom.

"Hi, Finn." He said.

I just glanced at him and smiled a little before focusing back on the dancefloor.

ENVY | SDS Present ✔ (TO BE EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon