Chapter 31

3.4K 95 15
                                    

"What?" Gulat kong sabi.

Nagtataka naman akong tinignan ni Caius pero hindi ko muna sya pinansin at tumayo.

"I'm serious. Samahan mo ako bukas." Walang buhay na sabi ni Danae.

"I th-thought hindi mo naman ipapa-ako kay Xavier?" Naguguluhan kong tanong.

"That's my plan but Hugo meddled. He even talked to Mom and Dad about it and they agreed with him."

I sighed before sitting beside Caius again. "Fine. Just don't stress yourself. Pupunta ako bukas. Good night." Sabi ko bago pinatay ang tawag.

Hinarap ko naman si Caius at naabutan ko na nakatingin na sya sa akin tapos ay tinaasan ko sya ng kilay.

"You know that Xavier and Danae will get married, right?"

"Yeah. Gusto ko si Danae mismo ang magsabi sa iyo kasi kayo ang mag-kaibigan." He said in a 'matter-of-fact' tone.

"Ano bang nangyari? Sabi kasi ni Danae, pinaalam lang nya kay Xavier at wala syang balak guluhin ang relasyon nila nung fiancè nya." Nag-aalala kong sabi.

"Kahit loko-loko si Hugo ay protective sya kay Danae kaya ayaw nyang ma-agrabyado ang kakambal nya."

"Edi nag-away sila ni Xavier? Syempre matataya naman ang relasyon nila nung fiancè nya."

"Xavier chose to man up." He answered with a shrug before he looked ahead.

"Sabagay kung naka-buntis ka rin naman ay ipapa-ako ko sa iyo yung bata." Sabi ko kaya mabilis nya akong tinignan.

Kunot-noo nya akong tinignan but I just shrugged.

"I'm serious. I don't want to be selfish. I want to give him or her a complete family. Tignan mo ako. Anak ako sa labas dahil hindi pinanindigan ni Daddy si Mommy." Dagdag ko.

Hinarap naman nya ako bago tinignan ng seryoso.

"Hindi naman mangyayari yun kasi ikaw lang naman ang mamahalin ko." Seryoso nyang sabi na nakapagpa-init ng mukha ko.

"You'll be my wife and the mother of my children." Dagdag pa nya na lalo lang nakapag-lala sa kilig na nararamdaman ko.

"I know." I answered with a smile before pecking his cheek.

"Bakit ba ang bait mo?" He said while touching my cheek.

"Hindi ako mabait. I just choose to do the right thing." I answered with a shrug.

Mabilis naman nya akong yinakap kaya nagulat ang puso ko at napatalon na naman sa dibdib ko.

"Lalo lang akong nahuhulog sayo, Finn." He whispered which made my heart warm.

After a few minutes ay umuwi na din si Caius dahil disi-oras na rin ng gabi. Ewan ko ba bakit hindi ako nagsasawa na kasama sya. Ganun yata talaga kapag mahal mo ang isang tao at mahal ka rin nya pabalik.

Isang linggo na rin ang lumipas mula nang sumugod dito si Athena at mula noon ay hindi ko na ulit sya nakita. Hindi na sila ulit nagparamdam sa akin at okay lang iyon dahil gusto ko ng payapang buhay. Sa tingin ko naman ay natanggap na ni Athena na ako na ang mahal ni Caius kaya hindi na sya nanggugulo. I just hope that she finds the one that will love her the way Caius loves me.

"I don't want to get married, Finn." Naiiyak na sumbong sa akin ni Danae.

"Ssh. Don't say that. Kailangan mo rin ng katuwang sa pag-aalaga sa iyo at sa baby mo." Mahinahon kong sabi.

"He doesn't love me so I don't think this marriage will work." Maktol nya kaya mabilis kong hinawakan ang kamay nya.

"Then make it work kahit para sa baby niyo na lang." Sabi ko bago sya yinakap.

ENVY | SDS Present ✔ (TO BE EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon