Chapter 33

3.2K 76 59
                                    

CAIUS

"Shit!" Mura ko nang mataan ang picture frame ni Finn na nasa gilid ng lamesa ko.

Agad ko itong pinulot at mabilis na bumangon ang kaba sa dibdib ko nang maalalang masamang senyales ang ganito. I quickly stood and took my phone then dialled Finn's number. I cursed when the operator said that her phone is dead. I tried to call her again pero wala pa rin so I thought to just call their house number.

"Hello?" A woman's voice answered.

"Si Finn? Nandyan ba?"

"Ay wala po, Sir. Umalis po sya kanina kasama yung bisita nya."

"Bisita? Sinong bisita?" Kunot-noo kong tanong.

"Sandali lang po at itatanong ko ang pangalan kay Cora." She said and after a few seconds of silence she answered.

"Athena daw po."

Naibaba ko ang cellphone ko dahil sa panlalambot. Finn's with Athena tapos patay pa ang phone nya then that means that Athena might have done something to her. Bago pa ako makatayo ay tumunog ang cellphone ko at agad ko itong sinagot kahit number lang ito.

"Hello? Si Caius Castellano po ba ito?" Tanong ng isang babaeng boses.

"Yes, why?"

"Sir, nasa ospital po ang girlfriend nyo. Sa Horizon General Hospital, room 204 po."

"Sige. Papunta na ako dyan." Mabilis kong sabi at agad nang lumabas ng opisina.

Halos paliparin ko na ang sasakyan ko dahil sa kaba. Bakit nasa ospital si Finn? If Athena was the reason behind it, I will never forgive her. Nang makarating na sa ospital ay basta basta ko na lang pinarada ang sasakyan ko at mabilis na pumunta sa kwartong sinabi ng babae kanina.

When I saw the room 204, I quickly opened the door but all my nervousness and anxiety vanished when I saw Athena lying on the hospital bed. I checked the number on the door and it perfectly says 204 kaya bakit si Athena ang nandito. Nasaan si Finn?

Lumapit ako sa kama at nakita ko na may benda sa ulo si Athena, may konting gasgas sa kanang bahagi ng mukha at may sling ang kanang braso nya. Kunot-noo ko lang syang tinignan habang sya naman ay umiiyak.

"Where's Finn?" Seryoso kong tanong.

"Si Finn? I don't know but she was the one who did this to me, Caius." Umiiyak nyang sabi pero umiling lang ako.

"You're lying. Nasaan si Finn?"

"Hindi ko nga alam. Oo, magkasama kami kanina kasi gusto ko syang kausapin pero sa kalagitnaan ng pag-uusap namin ay nagalit sya sa akin. Sabi nya matagal na daw syang naiinggit sa akin at sana daw hindi na ako bumalik kasi daw babalik ka na sa akin at iiwanan sya. She hurt me, Caius. She pushed me so hard kaya nagka-ganito ako."

Natigilan ako sa sinabi nya. I know Finn very well kaya hindi nya magagawa ang binibintang ni Athena. I once accused her and I will never do that again knowing that she can't do such things.

I looked one last time at Athena before turning my back to her but she grabbed my arm that caused me to look at her again. She's crying but I only feel anxious because I don't know where Finn is. I don't even pity her.

"Stay with me, please." Umiiyak nyang sabi pero inalis ko lang ang hawak nya sa akin at mabilis na lumabas.

I tried to call Finn again but she's still cannot be reached. I went to Xavier's house dahil nagbabaka-sakali akong pinuntahan nya si Danae pero wala rin sya doon. I went to Mami Sam's apartment, to their office and anywhere I can think of Finn would go but she's nowhere to be found.

ENVY | SDS Present ✔ (TO BE EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon