"Mirae! May nakita akong trabaho sa dyaryo." Sigaw ni Mama habang papalapit sa akin at winawagayway ang dyaryo.
Excited ko naman itong inagaw sa kanya bago umupo sa monoblock. Nanlaki ang mga mata ko nang mabasang pasok ako sa mga qualifications na hinahanap kaya nang magkatinginan kami ni Mama ay sabay kaming napa-tili.
"Magkaka-trabaho na ulit ako!" Tili ko.
"Naku, galingan mo sa interview, anak para matanggap ka." Payo naman ni Mama kaya tinignan ko sya.
Inakbayan ko sya bago binigyan ng isang malapad na ngiti.
"Ako pa, Ma? Pinag-initan lang ako nung jowa nung dati kong amo kaya ako na-sesante." Sagot ko naman.
"Sana makuha mo na nga yang trabaho mo para maka-bayad na tayo sa mga utang natin kay Aling Sally."
"Kapag talaga nakuha ko yung trabaho ay ingungudngod ko kay Aling Sally yung bayad natin." Pilya kong sabi kaya bahagyang natawa si Mama.
"Etong anak ko talaga. Kahit mataba ay napaka-sipag." Sabi ni sabay yakap sa akin.
Mapaglaro ko namang tinignan ng masama si Mama kaya natawa ulit sya.
"Aray naman, Ma. Hindi ba pwedeng chubby lang?" I said with a raised brow kaya lalong natawa si Mama.
"Kaya kahit mataba ka e, maraming nagkakagusto sa iyo. Hindi ka lang maganda at masipag, kwela ka rin." Naiiling na sabi ni Mama kaya yinakap ko na lang sya bilang ganti sa mga papuri nya sa akin.
"Why should we hire you?" Seryosong tanong sa akin ng HR.
"I believe the company is looking for a secretary for the CEO and I fit very well for that position, Ma'am. I have a very good communication skills and I am confident to say that I can make the CEO'S job easier. Hinding-hindi po magkakaroon ng sakit ng ulo sa akin si CEO." Proud kong sabi habang naka-ngiti pero wala iyong epekto sa HR at seryoso nya lang akong tinignan kaya unti-unting nawala ang ngiti ko.
"Can I ask what's your vital statistics?" Tanong nya habang diretsang naka-tingin sa akin.
Sinasabi ko na nga ba. Kanina pa kasi nya tinitignan ang katawan ko at base sa mukha nya ay alam ko ng jina-judge na nya ako. Pero okay lang. Sanay na ako.
Muntikan na akong natawa sa harap nya nang maisip na tinatanong na pala iyon ngayon sa mga interview. Halatang nakiki-chismis lang si Ateng HR e. Wala naman kasing naka-lagay na 'with pleasing personality' sa qualifications. Well, maganda naman talaga ako pero syempre yung ibang company ay hanap ang sexy na secretary.
Ngumiti naman ako sa kanya bago ako tumayo at bahagyang umatras para makita nya ang kabuuan ko.
"I'm 38." Sabay turo sa dibdib. "36." Sabay turo sa bewang. "And 39." Sabay turo sa balakang. "With a height of 168 centimeters or 5'6. Thank you." Bahagyang sigaw ko sa huling sinabi.
The HR looked at me deadly so I pursed my lips before I quickly took my seat. I gave her a wide smile pero wala pa ring epekto at seryoso nya lang akong tinignan.
Tignan mo to. Nagtatanong tapos ngayong sinagot ko, sya pa itong masungit. Wala sigurong love life si Ateng HR kaya masungit. Kapag natanggap ako dito, ihahanap ko sya ng jowa nang ngumiti naman.
"I'll schedule your final interview with the CEO. We will just email you. Thank you, Ms. Montez."
Muntik ko na syang yinakap dahil sa sinabi nya. Nang lumabas na ako sa opisina nya ay impit akong tumili bago tumuloy sa elevator. Mas malaki na ang tsansa kong matanggap!
"Ouch! Ano ba!"
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa pag-bangga ko sa isang babaeng lumabas mula sa elevator. Base sa magarang damit at maayos na itsura, hindi lang sya basta emoleyado dito. Naku, wag sana sya ang CEO kundi automatic na ligwak na ako.
Agad akong nag-bow sa kanya bago ako humakbang patalikod para lumayo sa kanya.
"Sorry po, Ma'am. Hindi ko po sinasadya." Sincere kong sabi bago nag-bow ulit. Para naman akong tanga nito sa ginagawa ko pero ayos lang baka sya nga ang CEO dito.
"Alam mo namang mataba ka kaya dapat marunong kang itabi yang sarili mo. Muntik na akong natumba dahil sayo." Masungit nyang sabi bago ako linagpasan.
Hindi makapaniwala ko syang sinundan ng tingin. Siguraduhin nyang sya ang CEO dito kundi ipapatikim ko sa kanya ang magkakambal kong sampal. Ang lakas maka-lait porket sexy at maganda. Mga tao nga naman.
I scoffed before I made my way towards the elevator. Paglabas ng building ay nagdalawang isip ako kung kakain ba ako sa helera ng mga street foods sa tapat ng building o uuwi na.
Pero deserve ko naman na i-treat ang sarili kasi may chance akong magkatrabaho. Sabi ko sa sarili bago lumipat ng daan.
Naglalakad na ako ngayon pauwi dahil hindi ko namalayan na sampung piso na lang pala ang naiwan na pera sa wallet ko. Napasarap na naman ako ng kain.
I held my bloated stomach before glaring at it. Ang takaw takaw mo. Kaya nanaba ako e. Kapag ako hindi nakapag-asawa dahil sa taba ko, chachop-chopin kita at gagawing sisig. Sermon ko dito.
"Bakit hindi ka mag-ilaw?" Tanong ko kay Abby nang maabutan ko syang nagbabasa sa tapat ng isang kandila.
"Wala tayong kuryente. Pinutulan tayo ni Aling Sally kasi daw hindi pa tayo nagshe-share sa bayad." Sabi nya bago bumalik sa pagbabasa.
"Nasan si Mama ngayon?"
"Sinugod si Aling Sally."
"Tsk. Agrabyado si Mama kay Aling Sally." Sabi ko sabay alis ng heels.
"Edi sumunod ka doon para may katapat si Aling Sally." Biro ni Abby kaya sinamaan ko lang sya ng tingin pero nag-peace lang sya sa akin kaya napa-iling na lang ako.
"Mag-tyaga na muna tayo ngayon habang hindi ko pa nakukuha yung trabaho." Sabi ko bago uminom ng tubig.
"Tumigil na muna kaya ako sa pag-aaral, Ate?"
Linunon ko muna ang tubig bago sya sinamaan ng tingin tapos ay mabilis akong umiling.
"Hindi. Magtatapos kayo ng pag-aaral." Sermon ko sa kanya.
"Edi nangayayat ka. 4 pa kaming papatapusin mo ng pag-aaral. 9 pa lang si Allen, tandaan mo Ate." Sagot naman ni Abby pero tinaasan ko lang sya ng kilay.
"Ayaw mo nun? Sumexy na ako, napag-tapos ko pa kayo." Natatawa kong sabi bago pumasok sa banyo para maglabas ng sama ng loob.
"Kaya mo yan, Mirae. Interview lang yan. Marami ka ng pinag-daanan na interview kaya chicken na lang sa iyo to." Bulong ko sa sarili ko.
Humugot ako ng malalim na hininga nang lumabas na si Ateng HR mula sa opisina ng CEO. She motioned me to enter kaya lumapit na ako. Sandali ko namang yinakap si Ateng HR kaya masama nya akong tinignan.
"Pampalakas lang ng loob." Sabi ko bago tuluyang pumasok.
Pagpasok ko ay napa-nganga ako sa ganda ng opisina. Ito na ang pinaka-bonggang opisina na nakita ko. Jackpot talaga ako kapag nakuha ko itong trabahong ito.
Napa-nganga ako nang humarap sa akin ang taong nasa likod ng salaming mesa. Hindi ang babae noong isang araw ang CEO kundi isang ubod ng gwapong nakakalaglag panty na lalaki.
Jusko! Jackpot na jackpot talaga ako kapag nakuha ko itong trabahong ito. Maganda na nga ang pa-sweldo, araw-araw pa akong inspired sa sobrang gwapo ng boss ko.
"Good morning, I'm Pier Alonzo Trevino, the CEO of Lucsus Airlines. Please, take a seat."
Muntik na akong napa-upo dahil sa baritonong boses nya lalo na sa makalaglag panty na ngiti nya. Lord! Magda-diet talaga ako kapag nakuha ko ang trabahong ito.
~~~Note: This is the next story of the SEVEN DEADLY SINS PRESENT entitled GLUTTONY. Stay tuned to find out what will happen next! Thank you in advance for reading! Stay at home and stay safe! ❤
BINABASA MO ANG
ENVY | SDS Present ✔ (TO BE EDITED)
General FictionEnvy is when one lacks another's superior quality, achievement, or possession and either desires it or wishes that the other lacked it. | Seven Deadly Sins Present _________________________________________ This story is not thoroughly edited so expe...