"Ma'am Finn. May naghahanap sa iyo. Athena daw po." Sabi sa akin ni Ate Cora.
Tumango naman ako at lumabas na ng kwarto ko. Bakit nandito si Athena? Manggugulo kaya sya ulit? Mabilis akong lumabas ng bahay at nakita ko sa labas ng gate si Athena.
Tinanguan ko si Mang Hernan kaya binuksan nya ang gate. Katulad ko ay naka-pambahay lang din si Athena at hindi ko mabasa ang ekspresyon nya dahil sa seryosong mukha.
Lunes ngayon at kaka-uwi lang namin ni Caius mula sa Pangasinan kagabi. Sobrang saya naming dalawa dahil sa pamamasyal sa lugar at hindi ko hahayaan na sirain ni Athena ang magandang mood ko.
"What are you doing here?" Seryoso kong tanong.
"Can we talk?" Sabi nya tapos ay sumulyap sa likuran ko lumingon din ako at nakita kong tinitignan nya ang mga PSG ko. "Alone?" She added.
"Ayoko. Baka ano pa ang gawin mo sa akin." Seryosong sabi ko.
"I won't do anything. I promise." She said in a pleading tone so I sighed.
Sinundan ko sya sa paglalakad at papunta kami ngayon sa isang kanto ng subdivision na wala pang mga bahay. Alam kong puno ng CCTVs ang mga poste dito kaya hindi na ako nangamba pa sa kung anong maaring gawin sa akin ni Athena.
She stopped in the middle of the road and I faced her. Akala ko noong unang dumating ako sa bahay nila ay magkakasundo kami dahil pareho kaming babae at magka-edad din kami. I was really hoping to be her bestfriend but I think she really hates me because I am Daddy's child from another woman.
"Break up with Caius, Finn." Mahinahon nyang sabi.
I've been expecting this talk for a long time. Sa kakapanuod ko yata ng mga pelikula ay kabisado ko na ang mga pwedeng mangyari kapag bumalik na yung ex. But this is reality kaya hindi ako magpapa-apak kagaya ng mga bida.
"Why?" Mahinahon kong sagot.
She scoffed before she crossed her arms and looked at me mockingly.
"Dahil ako ang una nyang minahal. Umeksena ka lang naman e."
"Umeksena na kung umeksena pero ako na ang mahal nya ngayon." Sabi ko na nakapagpa-kunot ng noo nya.
"Ano bang pinagmamalaki mo? Yang pagiging model mo?" Nang-iinsulto nyang sabi pero wala lang ito sa akin.
"Tandaan mo, Finn. Basura ka lang na binihisan namin." Dagdag pa nya kaya kumunot ang noo ko sa pang-iinsultong sinabi nya.
"Kung basura ako, pwes ikaw ang reyna ng mga plastic. You're acting as if you are kind and all pero yang ugali mo naman, ubod ng baho."
Caius once told me that Athena was the one who spread all the gossips about me at wala na talaga akong balak na i-sumbat pa kay Athena iyon dahil tapos na ang mga panahon na iyon. I just wanted to move on and forget everything bad that happened in my past but I cannot let Athena talk down on me like they always do. Hindi na ako mahina ngayon.
"At least ako kahit basura, totoo ako sa sarili ko." Seryoso kong sabi bago humakbang palapit sa kanya. "E ikaw?" Sarcastic kong sabi.
Mas nag-dikit ang mga kilay nya bago nya ako sinampal pero agad akong bumawi at sinampal sya pabalik. Nagka-hiwalay kami at masama nya lang akong tinignan habang hawak ang pisngi.
"Wala kang utang na loob. Pinakain at binuhay ka namin tapos pagsasalitaan mo ako ng ganyan?!" Galit nyang sabi.
"First of all, pera ni Daddy ang ginagastos ko noon at hindi sa iyo at sa mama mo. Second, may karapatan naman talaga ako dahil anak pa rin ako ng tatay mo. And lastly, kung meron man akong utang na loob ay bayad na iyon dahil sa pag-apak ninyo sa pagkatao ko." Seryoso kong sagot na lalong nakapagpa-kunot ng noo ni Athena.
"Tama lang talagang iniwan ka namin kasi wala kang kwenta!" Sigaw nya pero sarkastiko naman akong tumawa.
"Thank you nga pala sa pag-iwan sa akin kasi naging isa ako sa pinaka-sikat at pinaka-mayamang modelo sa buong mundo at na-realize din ni Caius na mas mahal nya ako kaysa sa iyo, Athena." Nang-iinsulto kong sabi.
"Ano ba ang nakita sa iyo ni Caius?" Inis nyang sabi.
"Everything he didn't saw in you." I answered with a smile.
"He was just lonely because I left at panakip butas ka lang nya. He sees me in you dahil magkapatid tayo kaya ka nya syinota."
"I don't have anything that resembles you, Athena. We are two different persons and I think Caius chose to be with the better one which is me."
She screamed because of anger and quickly pounced at me. Athena pulled my hair and I did the same to her. I pushed her forcefully para lumayo sya sa akin dahil ayaw ko nang magkasakitan pa kami. Hinihingal ko syang tinitignan at ganoon din sya sa akin.
"It's all your fault why Caius doesn't love you anymore, Athena." Hinihingal kong sabi.
"No. I know he would wait for me but you stole him from me because you have a freaking crush on him, Finn." Galit nyang sabi.
"Yes, I had but not even once that I tried to steal him from you, Athena because I know that you both love each other. I fought my feelings for him because I don't want to destroy your relationship. You were the reason why he fell out of love to you. So, I hope now that Caius and I are in a relationship, you will support us just like what I did for you." Mahinahon kong sabi para maintindihan nya pero sa pag-iling pa lang nya ay alam kong hindi nya tanggap ang mga sinabi ko.
"Sinungaling kang ahas ka! Of course, you were just waiting for the right time na agawin sya sa akin. Anong support-support? I would never support your relationship because he is mine."
I took a deep breath before I rolled my eyes. Hindi ko alam na mahirap pa lang mag-explain kay Athena. Akala ko dahil matalino sya ay madali lang nyang maintindihan ang mga bagay-bagay.
"You should accept that Caius is no longer yours, Athena. You had your chance and you wasted it." Matigas kong sabi but she just smirked at me.
"You think he will love you when you became broken? When your torn? When you're nothing but a true garbage?" Naka-ngisi nyang sabi kaya bahagyang kumunot ang noo ko.
"This talk is over." Sabi ko bago sya tinalikuran.
Mabilis naman nyang hinila ang braso ko at sinubukan ko itong alisin pero mahigpit ang hawak nya. She grabbed my other arm and held me tight too.
"Caius will never love you when you became another man's trash, Finn." Nanggigil nyang sabi.
"What are you talking about? Let me go." Inis kong sabi habang inaalis ang hawak nya sa akin.
Then napalingon ako sa gilid ko nang makarinig ng paparating na sasakyan. There is a red car approaching us and Athena is very focused in holding me kaya hindi sya gumagalaw sa pwesto namin. Mababangga kami kung hindi kami aalis sa gitna ng kalsada so I forcefully pushed her with all my might when I saw the car was inches from us.
BINABASA MO ANG
ENVY | SDS Present ✔ (TO BE EDITED)
General FictionEnvy is when one lacks another's superior quality, achievement, or possession and either desires it or wishes that the other lacked it. | Seven Deadly Sins Present _________________________________________ This story is not thoroughly edited so expe...