Chapter 24

3.6K 81 31
                                    

"Five swimsuits ang i-momodel mo, Ms. Finn." Ms. Ryzza, the representative of Hots said.

"We need to start by 5 pm para maabutan natin ang sunset." Sabi naman ni Larry, ang photographer ko.

"Ayusin nyo na sya, bilis." Mami Sam said kaya agad na lumapit sa akin ang mga stylists ko.

Nandito na kami sa beach kung saan gaganapin ang photoshoot at so far, hindi ko pa nakikita si Caius. Mami Sam admitted that he was the one who told Caius about our location dahil 'nadulas' daw sya. I'm sure nagwapuhan lang sya kay Caius kaya nya sinabi kasi talagang nakaka-distract ang kagwapuhan nya.

After maayusan ay pina-suot na sa akin ang unang swimsuit which is a plaid high-waist two piece bikini then we quickly went to the beach where the set is. I did the poses the photographer told then I changed to the second swimsuit which is a neon green bandage strappy bathing suit.

Habang pabalik sa tent ay nahagip ng mga mata ko ang papalapit na si Caius. I stopped in my tracks and stared at him. He looks like a cast in Baywatch with the way he walked with appeal which made my heart jump in my chest. Habang papalapit sya ay nas tumitindi ang pag-init ng pisngi ko at hindi ko alam bakit hindi pa ako gumagalaw.

"Bakit nandito ka?" Tanong ko nang makalapit sya sa akin.

"I'll watch your photoshoot." Seryoso nyang sabi.

Napa-nganga ako sa sinabi nya at lalo lang akong namula. Then his eyes landed on my body kaya mabilis kong tinakpan ang katawan ko gamit ang mga kamay ko.

"Get lost." Mabilis kong sabi bago sya tinalikuran para pumasok na tent.

Pagkapasok ko sa tent ay humingi agad ako ng tubig dahil feeling ko ay aatakihin ako sa bilis ng tibok ng puso ko at sa init ng mukha ko. Wala na akong oras para mag-inarte dahil oras ang hinahabol namin para sa photoshoot na ito. I immediately changed to the next swimsuit despite not feeling comfortable with Caius around.

Lumabas na ako sa tent at nakita ko si Caius na naka-upo sa isang director's chair di kalayuan sa set namin. I tried not to look at him para hindi gaanong ma-distract at ma-conscious.

"Wait lang." Ms. Ryzza said when I went in front of the camera.

I stopped and glanced at Caius who was intently looking at me so I quickly avoided his gaze. Mas mahirap pa ito kaysa noong una kong photoshoot.

"Bakit po?" I asked.

Lumapit naman sa akin si Ms. Ryzza at nagulat ako ng ibaba nya ang zipper ng suot kong black short-style one piece rashguard which exposed my cleavage.

"Ayan. Okay na Sir Larry." She said to Larry.

When she went back to her place which is beside Caius, I saw his more intense stare while his brows are knitted. I cleared my throat thinking that it can calm my heart but it did not so I need to endure these feeling of mine.

"Okay, last 2 na lang." Larry shouted when I'm finished with the third swimsuit.

I quickly jogged to the tent para na rin maiwasan si Caius. The fourth swimsuit is a skintone thong bandeau bathing suit and I faceplamed because if Caius is not here, I won't feel even an inch of embarassment. Kumakalat kasi sa katawan ko ang matinding insecurity dahil kahit na may laman naman ang dibdib at pwet ko ay hindi ko pa rin maiwasan na ikumpara ang katawan ko kay Athena. I can't help but to overthink thinking that Caius will prefer Athena more than me.

"Finn, kailangan mong lumusong sa dagat, okay? Pagka-ahon mo is doon kita kukunan ng shot. Understood?" Larry said and I nodded.

Pumunta na ako sa dagat at nang abot hanggang leeg ko na ang tubig ay nag-dive na ako. Nang nasa mababaw na parte na ako ay dahan-dahan akong lumusong at kasabay nito ay nakita ko ang pag-tayo ni Caius habang nakatingin sa akin na naglalakad papunta sa gilid ni Larry. I did not mind his stare kahit abot langit na ang lakas ng tibok ng puso ko.

ENVY | SDS Present ✔ (TO BE EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon