"After my wedding, I will surely beat the hell out of you, Hugo." Inis kong sabi kay Hugo habang inaayos nya ang makina ng sasakyan.
It's my wedding day today and I am already late. Dapat talaga ay hindi ako pumayag na si Hugo ang kasama kong pupunta sa simbahan. Nasira kasi ang sasakyan nya habang nasa kalagitnaan kami ng byahe papunta sa simbahan at halos dalawampung minuto na nya itong inaayos pero wala namang nangyayari.
"Ikaw na lang kaya mag-ayos. Engineer ka diba?" Sabi nya bago ako tinignan.
Mabilis ko naman syang sinapok kaya sinamaan nya ako ng tingin.
"Gago ka ba? Civil engineer ako hindi mechanical. Iwan mo na lang yan. Pumara na lang tayo ng taxi." Sabi ko sabay hila sa kanya.
"Ikaw na lang sumagot. Siguradong tatalakan lang ako ni Danae." Sabi nya nang mag-ring ang telepono kaya sinamaan ko sya ng tingin bago sinagot ang tawag.
"Nasan na kayo?! Hindi ba kayo sisipot sa kasal?! Umiiyak na si Finn kasi mas nauna pa sya dito kaysa kay Caius!"
Nailayo ko sa tenga ko ang cellphone dahil sa pag-sigaw ni Danae. I looked at Hugo and he just gave me a 'told you' look kaya sinapok ko sya. Before answering, we hailed a cab at nakipag-talo pa talaga kami sa lalaking nakikipag-unahan sa amin.
"Pasensya na, bro. Late na ako sa kasal ko." Sabi ko bago sya marahang tinulak at pumasok na sa taxi.
"Hello! Martin Hugo Mendoza Guillermo! Sagutin mo ako!" Sigaw ni Danae sa cellphone kaya binalik ko na sa tenga ko ang cellphone.
"Ako to, si Caius. Papunta na kami dyan." Sabi ko bago binaba ang tawag at sinaksak kay Hugo ang cellphone nya.
Pinag-kiskis ko ang dalawa kong mga palad kasabay ng pag-hugot ko ng malalim na hininga. I am so anxious ever since I woke up because I know that today is the day that Finn and I will be one.
We planned our wedding for how many months and we decided to get married before the year ends because I want to start the next year with her as my wife.
It's been two days ever since I saw her dahil sabi ni Lola Sol na bawal daw magkita ang mga ikakasal bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy kaya hindi na kami nag-usap mula noon.
Sigurado akong nag-aalala na iyon dahil wala pa kami doon. Sigurado din akong iniisip na nyang iniwan ko na sya dahil sa pagiging late ko sa sarili kong kasal.
"I will really beat the hell out of you, Hugo." Inis kong sabi kay Hugo bago bumaba ng taxi at nag-jog papunta sa entrance ng simbahan.
Sinalubong ako ng wedding organizer namin pero linagpasan ko lang sya para pumunta sa bridal car. I quickly opened the back seat and I caught my breath when I saw Finn in her wedding gown while crying.
She glared at me so I scratch my head before taking my handkerchief and gently wiping her tears. I smiled at her but she kept glaring at me.
"I'm sorry. Si Hugo kasi, nasira. I mean, nasira yung sasakyan ni Hugo pero may plano naman talaga akong pakasalan ka kaya tama na ang iyak." Mahinahon kong paliwanag.
"Bakit mo ba ako pinuntahan dito? Baka hindi matuloy ang kasal." She mumbled which made me stopped in wiping her tears.
Bahagya akong natawa sa kanya kaya pinisil ko ang mga pisngi nya. She really knows how to brighten up everything.
"Let's get married, okay?" Naka-ngiti kong sabi at tumango naman sya bilang sagot.
"You look beautiful, my wife." I added before quickly pecking her lips then I went out of the car.
BINABASA MO ANG
ENVY | SDS Present ✔ (TO BE EDITED)
General FictionEnvy is when one lacks another's superior quality, achievement, or possession and either desires it or wishes that the other lacked it. | Seven Deadly Sins Present _________________________________________ This story is not thoroughly edited so expe...