Napa-pitlag ako nang may kamay na dumapo sa Ipad ko. Base sa nude na manicure ay babae ang may-ari ng kamay. I slowly lifted my head and I was surprised that it is Daniella. I think I know why she is here in my seat and disturbing me kaya mabilis bumangon ang kaba sa dibdib ko.
"Are you flirting with Wayne?" Masungit nyang tanong sabay tayo ng maayos at pumamewang.
"Hindi." Mabilis kong sagot kasabay pa ng pag-iling ng ulo ko dahil yun naman talaga ang totoo.
Tinaasan nya ako ng kilay at tumuwad sa harap ko. Maganda si Daniella pero hindi maganda kapag nagagalit o naiinis sya. Siguradong nakikita nya na natatakot na ako sa kanya. My classmates won't bother in helping me because I know they are also afraid of her and also because it is me. They might even rejoice that I have a chance of getting kicked out.
"Then why are you walking with him yesterday?"
I immediately waved my hands to show her na mali ang iniisip nya.
"Walang ibig sabihin iyon. Nagkataon lang and don't worry, I am not flirting with him." Paliwanag ko.
"Make sure because he is mine. Kapag naulit pa iyon ay malalagot ka sa akin." Mahina ngunit may pagbabanta ang boses nya kaya mabilis akong tumango kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko.
"Danae? What are you doing?"
Sabay kaming napalingon ni Daniella sa harapan dahil sa boses ni Caius. Seryoso syang nakatingin sa amin bago sandaling pinasadahan ako ng tingin. When he removed his stare, I lowered my head. Naalala ko lang kasi ang pagka-pahiya ko kahapon. I am sure he thinks I am so pathetic.
Tumayo naman ng maayos si Daniella at umalis na sa harap ko. Nanlumo ako nang makitang nagulo ang design ko dahil sa kamay ni Daniella na pumatong sa Ipad ko kanina. I was working with that design for almost a week already and I can't even complain because that won't change anything.
Nang pumasok na si Mrs. Supan ay ibinalik ko na ang Ipad ko sa bag and tried to focus on her discussion but my eyes is constantly drifting on Caius. I want to assume that she stopped Daniella because he is worried about me but I know that it is impossible. Masyadong mataas ang kumpansya ko na importante ako kay Caius at yun ang dahilan kung bakit nasasaktan ako.
It was lunch and I am glad no one bothered me. Kasalukuyan akong kumakain nang makitang papunta si Wayne sa pwesto ko. Kahit gutom pa ay mabilis akong tumayo at lumabas ng cafeteria. I am not even sure kung ako ba ang pupuntahan nya. Either advance lang akong mag-isip or assumera ako basta't okay na yung ginawa ko.
Mas mabuti ng iwasan ko si Wayne kesa mapagbuntunan ng galit ni Daniella. Isang lunch na naman ang napurnada. I sighed and walked towards the gate. Gutom pa ako and I can't bare entering my afternoon class with my stomach empty again.
Sa dulong bahagi ng bakod ng school ay may mga carinderia so I decided to go there but they all full then I saw a small carinderia across the road and when I saw that no student of our school is eating there, I decided to eat there everytime. At last, a complete and peaceful lunch.
"Hello po. Pa-order po nito at kalahating kanin." I said to the old lady.
She smiled to me before making my order. Umupo naman ako sa table na katabi at paharap sa counter.
"Buti naisipan mong dito kumain? May canteen naman kayo sa loob diba?" Sabi ni lola nang ihain ang pagkain ko.
"Gusto ko po ng tahimik na makakainan." Sagot ko bago ibinigay ang bayad.
"May ganyan rin akong mga customer na ka-eskwela mo. Dito sila nananghalian dahil pinagkakaguluhan daw sila dyan sa eskwela ninyo." She laughed off the last part.
BINABASA MO ANG
ENVY | SDS Present ✔ (TO BE EDITED)
General FictionEnvy is when one lacks another's superior quality, achievement, or possession and either desires it or wishes that the other lacked it. | Seven Deadly Sins Present _________________________________________ This story is not thoroughly edited so expe...