Chapter 4

117 9 0
                                    


Zion's POV

Nagising ako ng 8:30 am, ang oras naman ng klase ko ay mamaya pang 11 am. Naghanda na ako ng pagkain. Ako pa din mag isa dito sa dorm hindi umuwi kagabi si Phillip.

Pagkatapos kong kumain ay nagtungo na ako sa banyo para maligo. Medyo inaantok pa ako ilang oras lang kasi ang naging tulog ko.

Natapos na akong magbihis at inihanda na yung mga dadalhin ko para sa school. Inilagay ko sa isang folder yung script na ginawa ko kagabi para hindi malukot at umalis na.






Andito na ako sa lobby ng university at papunta na sa building kung nasaan yung first class ko ngayon araw.

Nagtext si Tiffany sa Group Chat na may meeting daw mamayang 2 pm sa MAC room.

Wala naman masyadong ginawa kaunting quiz lang at binigay na din samin yung evaluation form para sa mga clubs at pinaalalahanan kaming wag kalimutang ibigay yun sa mga president ng mga kinuha naming club. Naglalakad na ako ngayon papunta sa MAC room maaga kasing natapos yung last subject ko ngayon araw kaya maaga rin ako makakapunta sa meeting.

Nadadaanan ko ngayon yung dimly lit na corridor dito sa floor ng theater. Sobrang ang gaan talaga sa pakiramdam yung ganitong klaseng ambiance nakakawala ng stress.


Nasa tapat na ako ng MAC room at dahan dahang inikot yung doorknob. Wala akong naririnig na ingay binuksan ko ng bahagya yung pinto at nakitang walang ibang tao maliban sa isang babaeng nakasalamin at nagliligpit ng gamit at inilalagay sa kanyang bag.

"Ahmm....... Nasan sila? Tapos na ba yung meeting?" Tuluyan na akong pumasok at lumapit malapit sa babae.

Tumingin siya sakin at inayos yung salamin niya "Hindi pa naman nagsisimula. Pinalipat lang yung venue ng meeting sa theater room" sabi niya sabay sukbit ng bag sa balikat niya.

Lumabas na ako ng MAC room at nagtungo na sa theater room. Binuksan ko yung pinto nito at pumasok na. Medyo madilim dito banda sa kinaroroonan ko ramdam ko ang lamig sa loob ng kwarto.

Natanaw ko sa stage ang ilang mga nakatayo at ang ilan naman ay nasa baba kung saan mga nakaupo. Sa may bandang stage lang ang may ilaw. Agad na akong nagtungo sa harapan at baka malate pa sa pinag uusapan nila.

Pagkarating ko sa kanila ay agad akong naghanap ng bakanteng upuan at umupo doon sakto namang kakasimula lang magsalita ni Tiffany. Lumingon lingon ako.

Hinahanap ko si Phillip. Hindi ba yun pumasok?

Itinuon ko yung atensyon ko sa stage. Andun sa gitna si Tiffany at pinapaliwanag yung mga pagmimeetingan ngayong araw at tinatanong kung kompleto na ba kami.

Nakita ko din sa gilid na nakaupo sa monoblock si Zach at may kasama pa siyang tatlo isa na dun yung lalaking nagbigay saakin nung ointment nung sinapak ako ni Zach.

Napatingin naman ako kay Zach na kanina pa ako tinititigan. Anong meron dun? Mas lalo akong nagulat ng bigla niya akong bigyan ng isang ngiti. Woah goosebumps.

Anong problema nun? Agad kong binawi yung titig ko sakanya at tumingin nalang sa script na dala ko.

Natapos ng magsalita si Tiffany tumayo naman si Zach at pumunta sa gitna.

"I know that everyone is aware that we are having a stage play this month that I already disscuss yesterday." sabay sabay kaming sumagot at may iba namang tumango lang.

Sunod ay ipinakilala niya yung mga inassign niya para sa iba't ibang trabaho para sa stage play.

Pinakilala niya ang sarili na siya ang Director at ako naman ang Assistant Director niya at script writer. Nagpakilala pa siya ng iba pang kailangang trabaho.





Moonlight In Ciudad (BL Story) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon