Chapter 30: Dreams

47 6 0
                                    

Chapter 30: Dreams

Hinahanap ko kung nasaan banda si Zion naghihintay. Medyo nalate na kasi siya nakauwi at wala ng shuttle bus sa school ng ganitong oras.

Maya maya pa sa di kalayuan ay nakita ko ang parang komusyon na nagaganap. Biglang pumasok sa isip ko baka isa doon si Zion. Wala anu ano ay agad kong pinuntahan ang kinaroroonan nila.

Hindi nga ako nagkamali, hawak hawak nung isang lalaki si Zion habang ang isa naman ay binabalak siyang halikan.  Nang makita ko yun ay hindi na ako nagdalawang isip na huminahon.

Nakakuyom ang kamay na tumakbo ako sa kanila. Agad kong hinila at binigyan ng suntok yung nagbabalak humalik sakanya. Balak naman akong suntukin nung isang nasa likod niya pero nabigo siya at kaagad kong binigyan siya ng malakas na suntok. Nang makitang nakasalampak na sila sa lupa agad kong hinila yung kwelyo nung lalaking may hawak kay Zion at iniangat siya.

Nagngingilid ang panga at hindi ko makontrol ang sarili.

"Ito ang tatandaan niyo. Hindi ko kilala kung sinong mga hayop kayo pero sa isang beses na uulitin niyo pa to sa boyfriend ko. Hindi na ako magdadalawang isip na pigilan ang sarili ko."

Nang mabitawan ko siya ay agad na silang nagsitakbuhan palayo. Agad kong pinuntahan si Zion na nakasalampak sa lupa at nakabukas ang tatlong itaas na bahagi ng butones ng kaniyang polo.

"Dapat pala sa tapat ng Department niyo nalang kita pinaghintay. Sorry nalate ako."

Isang buntong hininga ang pinakawalan niya bago ako tinignan.

"Ano ka ba, wala kang kasalanan. Atsaka hindi mo dapat ginawa yun. Mamaya may mga patalim o kaya baril na dala yung mga yun." mahinahong sambit niya.

Tignan mo tong taong ito. Yan ang ayaw ko sakanya. Siya na itong nasaktan at muntik mapahamak ibang tao pa din ang iniisip niya.

"Ano ka ba Zion. Hinding hindi ko mapapalampas yung ginawa nila sayo......" sambit ko at inalalayan siyang makaupo.

"Ito ang tatandaan mo, from now on I am your knight. I am your shield. I am your bulletproof. Because I am your boyfriend........" itinaas ko yung daliri ko para tanda ng isang pangako "Its my promise....."

Elijah's POV

Nagising ako dahil sa haplos ng kamay sa may pisngi ko. Dahan dahang idinilat ko ang aking mata at nasilayan ang mata ni Kenneth na nakatitig lang saakin.

"Gising ka na............ May kailangan ka ba?" tanong ko nang makaupo na ng maayos.

"Teka, umiiyak ka ba? Bakit may masakit ba sayo? Masakit pa din ba yung sugat mo?" pag aalalang tanong ko nang makita ang basa sa kanyang pisngi.

"Don't worry about me. Hindi naman na masyadong masakit yung mga sugat ko. Ikaw, may problema ba? Umiiyak ka kasi habang natutulog. May bumabagabag ba sayo?"

Dahil sa sinabi niya agad kong dinampi ang ang pisngi ko ng palad ko. Tama nga siya may luha doon. Mukhang dahil nanaman ito doon sa panaginip na yun. Ano ba kasing purpose at pinapahiwatig ng mga yun?

"Hindi ako masyadong makatulog. May mga biglang taong pumapasok sa panaginip ko na para bang matagal ko ng kilala. Sa tuwing nakikita ko sila, para bang sobrang bigat sa pakiramdam. Para bang sobrang sakit na alaala."

Nagulat ako dahil sa mga sinasabi niya. Hindi kaya parehas kami ng napapanaginipan? Pero para saan naman ba yung mga yun? Sino ba talaga sila?

Tinignan ko si Kenneth na nakatingin lang ng diretso. Pati siya ay tila naguguluhan dahil sa mga gumugulo sa isip niya.

Moonlight In Ciudad (BL Story) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon