Chapter 5

103 8 0
                                    


Zion POV

"Zion, gusto mo ba ako?" kumabog ng sobrang bilis ng puso ko. Sa mga oras na ito sobrang nabibingi na ako sa katahimikan sa atmosphere at sa tanong ni zach.

Ilang minuto ang lumipas nanatili lang akong tahimik hindi makakibo"Ahh.... Ehhh Ahmm" Nauutal ako dahil sa totoo lang hindi ko din talaga alam. Nakatingin siya sakin na parang maamong bata. Shit Zach.

"Sa ti.....ngin......ko......... Oyyy may ilaw na!" Sabay kaming napatingin sa ilaw sa buong hallway. Ibig sabihin bumalik na yung power ng kuryente sa building na ito.

Agad ko siyang inalalayan para makabalik sa pagkakaupo at ako naman ay agad ng tumayo.

"Kailangan na nating makalabas dito kailangan ko ng umuwi." Medyo natataranta ako at hindi mapakali. Kailangan na naming lumabas dito at nang matapos na itong awkward moment na ito.

Naglakad na ako papuntang main entrance para hanapin baka merong dumaan na guard or staff ng school na nasa university pa. Nagsalita sa likod ko si Zach pero hindi ko na siya inintindi pa at dirediretso lang.

Nakarating na ako sa tapat ng entrance nakalock pa din ito. Mayamaya at buti meron akong nakitang ilaw ng flash light sa di kalayuan kaya agad akong sumigaw. "Kuyaaaa! May tao pa po dito. Pakibukas naman po" at kinatok katok ko pa yung glass door para mas marinig niya.

Maya maya pa at lumapit siya at agad na binuksan yung lock na pinto. "Bakit andito pa kayo? Kanina pa nag uwian ah" tignan mo to si kuya kami na nga itong nilock mo dito kami pa pagagalitan mo.

"Hindi kami makauwi malamang nilock niyo kami dito sa loob eh" nagulat ako biglang nagsalita yung nasa likod ko. Nakarating na pala siya samin ni kuya.

"Tssk Zach ano ka ba........ Hehehe sorry po kuya medyo nalate po kami makalabas may dinaanan pa kasi kami sa room." Nakangiti kong sabi kay kuya.

"Sigurado kayong wala kayong ibang ginawa ha" nanlaki yung mata ko sa sinabi niya. Ano bang iniisip niya?

"Ayy hehe.......... Kuya wala naman po....... Sige po salamat alis na po kami" Paalam ko sabay lumabas na. Nakita ko si Zach na hindi pa lumabas at kinausap pa yung security guard.

Ilang minuto ang tinagal ng pag uusap nila. Matapos ay lumapit na siya sakin. "Hindi mo naman kailangang awayin si kuya buti nga pinagbuksan niya pa tayo" sabi ko sabay hawak sa dulo ng sleeves niya.

Napangiti siya "Tingin mo ba sakin laging naghahanap ng gulo?" sarcastic niya pang tanong sabay turo sa sarili niya.

"Bakit hindi ba? Sa tuwing nakikita kita............. lagi kong naiisip na wala kang ibang alam kundi gulo."

"Hindi mo pa nga talaga ako kilala. Believe me this is not who I am. " agad na siyang tumalikod at naglakad na. Anong ibig niyang sabihin?

Naglalakad na ako ngayon palabas ng University at napakalayo ng kailangang lakarin. Bakit ba kasi pinakadulong building yung College Department namin. Kung andito lang sana si Phillip edi sana may sundo ako nakamotor kasi siya kaya mabilis lang makalabas sa university na ito pag andito siya.

Lumingon lingon ako minamasdan ang paligid. Napakatahimik, nakakatakot makikita mo mga puno sa sidewalk mga bench na nasa sulok na madilim, ang tanging ilaw ay nanggagaling lang sa mga light post na nasa magkabilang side walk.

Medyo magkakalayo kasi yung seven college department ng university na ito kaya halos pag pumasok ka dito napakalaki at kinakailangan mo pang sumakay ng shuttle kung pupunta ka sa ibang department o kaya kung lalabas ka ng school.

Maya maya may narinig akong papalapit na sasakyan mula sa likod ko. Huminto ito sa gilid ko at nakita ko si Zach akala ko nakauwi na siya.

"Tara hatid na kita" hindi naman na ako nakatanggi. Pagod na ako ngayong araw tapos kulang pa ako sa tulog.

Moonlight In Ciudad (BL Story) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon