Chapter 40: I Love You
Elijah's POV
Labis ang tuwa nang makita ko sila. Nanginginig ang buong katawan ko. Hindi ko inaasahang makita silang muli.
Wala akong inaksayang pagkakataon at agad akong tumakbo papunta sa direksyon nila at kaagad na ikinulong sila sa mga bisig ko.
Malaki na ang nagbago sakanila. Mula sa mga college student na puro kalokohan ang alam. Ngayon ay makikita ang pagiging propesyunal sakanila. Mula sa tindig at sa pananamit at sa itsura nila.
Kitang kita ko din sakanila ang pagiging matured at isang ganap na magulang.
Knowing Phillip, hindi ko inexpect na isang araw makikita ko siya na ganito. A growing man. Na para bang hindi siya yung binatang pasaway na gumagawa ng iba't ibang kalokohan. At yung binatang walang ibang ginawa kundi ang ienjoy ang buhay estudyante niya.
"Namiss kita....... Hindi ko inakalang muli kitang makikita..." naluluhang sambit ko habang yakap pa din sila.
Kumalas sila sa pagkakayakap at hindi alam ang susunod na gagawin. Nakatitig lang kami sa isa't isa habang hindi alam ang sasabihin tanging mga ngiti at luha lang ang nagiging sagutan namin.
"Mukhang alam ko na ngayon kung bakit niyakap mo ako nung araw na nagkita tayo......... Sana man lang nagpakilala ka." nakangiting sambit ni Phillip.
Hindi ko nagawang makasagot. Hindi pa din talaga tinatanggap ng sistema ko yung mga nangyayari ngayon.
"Ang pogi mo lalo ngayon Zion......" puri ni Stacey.
Mahina akong napangisi. "Kailan ba ako pumangit?" biro ko.
Nagtawanan kaming dalawa habang si Phillip naman ay umarteng kunwari nasusuka.
Sobrang namiss ko yung ganitong kulitan at biruan namin.
"A-ano nang plano niyo ngayon ni Zach?" tanong ni Stacey sabay tingin kay Ken.
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaunting hiya. Kahit na kaibigan ko sila. Kaibigan sila ng kaluluwang nasa katawan ko hindi ko maiwasang isipin na magulang na sila at magulang sila ni Ken, ng kaibigan ko.
Hindi ko alam kung hanggang kailan magtatagal ang ganitong turing namin sa isa't isa dahil hindi ko alam kung hanggang kailan ako mabubuhay bilang si Zion kaya hindi ko maiwasang isipin na dapat ay alamin ko pa din yung lugar ko kapag kasama sila.
"May problema ba?" muli naman akong napabalik sa ulirat nang magsalita si Ken sa tabi ko.
Naiwan muna kami dito sa dining area habang sila Phillip at Stacey ay naghahanda lang muna ng meryenda sa kusina.
"Ah. W-wala naman......... Hindi lang siguro ako makapaniwala."
"Hindi ka makapaniwala na napakilala na kita sa mga magulang ko? So...... Pwede na ba kitang ligawan?" nakangiting sambit niya.
Agad namang kumunot ang noo ko.
"Ewan ko sayo. Hindi iyon ang ibig sabihin ko........." seryosong sambit ko.
"Aww. Akala ko pa naman....." biglang lumungkot yung mukha niya. "Ano pala yung iniisip mo?"
Huminga muna ako nang malalim.
"Iniisip ko lang yung mga nangyari nitong mga nakaraang araw. Sobrang daming naganap, sunod sunod."
"Ayus na din yung ganito. Hindi ka ba masaya na muli tayong nakabalik at muling nakita sila Phillip?" he asked.
"Syempre naman masaya. Hindi lang talaga ako makapaniwala sa lahat....... Isa pa, gumugulo din sa isip ko......"yumuko ako nang bahagya" Paano na ang buhay natin bilang ako si Elijah at ikaw si Kenneth... "

BINABASA MO ANG
Moonlight In Ciudad (BL Story) (Completed)
RomantizmRed String Series 1 When they are reborn again, both of them will feel like they have known each other for so long. It's like they have been waiting for their whole life to meet each again. A highschooler named Elijah was meant to meet Kenneth on a...