Chapter 26
Elijah's POV
Inip na inip na nakatitig lang ako sa repleksyon ko sa TV. Nakaupo ako ngayon sa sofa sa sala.
Its Saturday, sa totoo lang madami talaga dapat akong gagawin ngayong araw. Pero dahil sa project na ito at sa napaka galing kong partner mukhang hindi ko na magagawa yun.
Halos dalawang oras lang naman ako nag aantay dun sa mokong na yun. Hanggang ngayon wala pa.
Kapag dumating talaga yun sasapukin ko yun. Nakakainis.
Padabog na ibinagsak ko yung phone sa tabi ko.
Doorbell rings
Hayyyy...... Sa wakas nakaramdam ding pumunta.
Tamad na tumayo ako at tinungo yung pinto. Pagpihit ko ng doorknob sumalubong agad sakin yung seryoso niyang mukha.
Talaga lang ha siya pa may ganang magalit eh siya nga tong late.
"Oh. What's with that poker face? Ako nga itong nag intay sayo ng dalawang oras." iritang tanong ko sakanya.
Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa.
Bagsak na bagsak yung buhok niya, nakasuot siya ng malaking salamin na halos sumasakop na sa buong mukha niya. Nakasuot naman siya ng plain brown oversized shirt at nakadenim na pants at white rubbershoes. Nakita ko din yung maliit na backpack niya.
Ngayon ko lang napansin, he has a great fashion taste. That's great.
Pagbalik ng tingin ko sa mukha niya ay nakataas na yung kilay niya. "Dito ba natin gagawin yung project sa pinto?" inip na tanong niya.
Napangisi naman ako. Napaka hot temper niya talaga. Akala mo kung sino. Upakan kita dyan eh. Tandaan mo nasa teritoryo kita.
"Kung ayaw mo naman ako dito pwede namang seperate na nating gawin yung project hindi yung minumura mo ako sa isip mo." walang emosyong nakatitig lang siya saakin.
Ha? Pano niya? Nakakabasa ba siya ng isip?
Agad na kumunot ang noo ko. Tinignan ko siya na para bang nagtatanong tungkol sa sinabi niya.
" You're too easy to read. Don't bother I am normal." sambit niya sabay pumasok na sa loob.
Naiwan naman akong tulala sa labas. Ano daw sabi niya? Ako easy to read? Arrghhh. Hindi ata tamang pinapunta ko siya dito ginugulo niya yung isip ko.
"Mukhang bihis na bihis ka ah. Hindi mo naman kailangang maghanda. Its just me." sabi niya nang makarating na sa sofa at tinignan ako mula ulo hanggang paa.
"Ulol. Bakit naman ako magbibihis para sayo? Sino ka ba?" nakataas na kilay na sambit ko.
Nakakainis itong lalaking to akala mo kung sino.
Hindi na siya nagsalita at nagkibit balikat nalang.
"Pupunta sana ako ng mall. May bibilhin ako pero mukhang hindi na ako matutuloy sa sobrang tagal mo."
He stares at me. "I'm not late. You didn't clear where at malay ko ba sa unit nitong condo mo."depensa niya.
Agad akong naguluhan sa sinabi niya.
" S-sinabi ko yun? " nagaalangang turo ko sa sarili ko.
Itinaas niya ang kanyang kilay sabay tumango. Shit totoo ba?
BINABASA MO ANG
Moonlight In Ciudad (BL Story) (Completed)
RomanceRed String Series 1 When they are reborn again, both of them will feel like they have known each other for so long. It's like they have been waiting for their whole life to meet each again. A highschooler named Elijah was meant to meet Kenneth on a...