Chapter 28

50 5 0
                                    

Chapter 28: My Knight

Elijah's POV

Tulalang binabaybay ko lang yung malawak na daan pauwi sa condo. Hindi ganoon kadami ang mga sasakyan sa daan dahil hindi pa naman rush hour.


Sa hindi malamang dahilan biglang puminta sa mukha ko ang ngiti.


Natatawa ako kapag naaalala yung mga kaganapan kanina. Yung mga ganung klase ng pangyayari sa mga palabas ko lang nakikita.



Matapos kong magpaalam sa mga kaklase ko kanina, hindi na ako nag atubiling dumiretso sa parking area at hanapin yung sasakyan ko. Ayokong maabutan ng pag ring ng bell at pagpiyestahan ng mga iba't ibang chismis nila.



Halos isang oras din ang naging byahe ko. Agad na akong nagtungo sa unit ko. Panigurado nandoon na ang mga magulang ko.



"Andito na po ako." bungad ko pagkapasok ko ng pinto.



I removed my shoes at dumiretso ng pumasok sa loob. Nadatnan ko si Mama na nasa kusina, may ginagawa habang si Papa naman ay natanaw ko sa balcony habang may kausap sa cellphone niya.

"Mabuti naman andyan ka na Eli, sige na magbihis ka na muna tapos tulungan mo na ako dito maghanda ng miryenda." sabi niya nang sulyapan lang ako saglit at muling nagpatuloy sa ginagawa niya.

Dumiretso na ako sa kwarto ko para makapagshower at makapagpalit na din.

"Damn you Allison. Makakabawi rin ako sayo. Ubos na pasensya ko." Iritang sambit ko habang tinititigan yung repleksyon ko sa salamin.

Hindi ko maiwasang maitanong sa isip ko yung sinabi ni Mama kanina. How did she know about that?

Maybe Jade told her? Hindi naman big deal yun ngayon at hindi yun yung issue dito. I just wanted to know, I'm sure pinag alala ko nanaman siya.

Ilang minuto ang lumipas ay natapos na din akong makapagbihis kaya dumiretso na ako sa kusina para matulungan si Mama.

"Oh Eli, nakauwi ka na pala hindi kita namalayan." sambit ni Papa na ngayon ay nakaupo na sa sala habang nasa harap ng laptop niya.

"Ah... Hindi ko na po kayo pinuntahan kanina, baka maistorbo ko pa kayo atsaka may kausap din po kayo sa telepono." sagot ko.

Tumango lang siya at ibinalik na ulit sa laptop ang atensyon kaya naman pinuntahan ko na si Mama sa kusina.

"Hmmm...... sa amoy palang Mama nakakagutom na yan ah." bungad ko kay Mama nang makarating ko sa likod niya.

Nagpatuloy lang siya sa ginagawa niya.

Napanguso nalang ako nang hindi niya ako kausapin. Alam ko yung ganitong asta ni Mama. Alam kong nagtatampo siya.

Eh kasi naman Elijah problema nanaman itong dinala mo. Sakit ka talaga sa ulo.

"Maaaa...... Sorry naaaa" paglalambing na sambit ko sabay niyakap siya patalikod.

"Eli mapaso ka mamaya na dun ka na sa lamesa." sambit niya.

Tignan mo pati sa tono niya halatang nagtatampo siya.

"Hindi Ma. Hindi ako bibitaw dito kahit mapaso pa ako. Hindi mo ako pinapansin eh." pagmamatigas ko at mas lalong hinigpitan yung yakap.

Moonlight In Ciudad (BL Story) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon