Chapter 37: I Found You

43 6 0
                                    

Chapter 37: I found you

Elijah's POV

Hindi ko alam kung gaano na ako katagal nakatitig sa litratong nasa brochure.

I feel the weight on my chest. I'm in pain. Sobrang dami na ng gumugulo sa utak ko and now, ito naman.

Ang lugar kung saan napakadaming alaala. Ang lugar kung saan nagsimula ang lahat.

"Dyan ka din ba mag aapply sa college?"

Agad akong napabalik sa ulirat nang marinig ang boses niya.

Nagtalakad siya sa gilid ko at tumayo lang dun. Unti unting pinakalma ko ang sarili ko. I know I'm bad on hiding my emotions but I will try for now.

Tumingala ako para makita siya. Nakatayo lang siya. Maaliwalas na ang itsura niya. Hindi na siya gaya nang dati na sobrang lamig kung tumingin at makausap.

"A-ah. Hindi ko alam eh. Actually I'm undecided. Wala pa kasi akong alam na universities dito. You know I'm newbie....." I said and faked a smile.

"Yun naman pala eh. Oh edi make that university as your first visiting university here in Ciudad. Don't worry maganda dyan and lots of courses na pagpipilian." masiglang sambit niya.

"And also, tomorrow is open sila for applicants or freshmens na nagbabalak na pumasok sa university na yan." singit ni Jade sa kabilang gilid ko.

Tinignan ko lang silang dalawa. Bakit kung makatingin sila parang hindi sila makakaalis ng wala ako?

"Atsaka hindi mo pa ako sinasagot sa biglaang pag iwan mo sakin kahapon ha. Utang mo yon kaya sumama ka na." mariing dagdag pa niya.

Nang makalabas ako kahapon ng banyo dire diretso lang ako maglakad hanggang sa parking area at dumiretso sa condo unit ko. Nawala na sa isip ko na kasama ko nga pala that time si Jade and she left in that restaurant clueless where am I.

I sighed.

"Hmm." while nodding.

Hindi naman masama kung sumama ako and isa pa, makakabuti din saakin yun para mas makilala ko pa kung sino ba talaga ako. Sino ba talaga si Zion Morano.

Ilang oras na ang lumipas at wala pa ding mga teacher ang pumasok matapos ang first subject namin. Maybe pagod pa din sila sa team building.

Hindi ko nga maunawaan bakit present kaming lahat sa room na para bang hindi napagod.

Napagdesisyunan namin nila Kenneth at Jade na magtungo muna sa cafeteria dahil sa wala namang ginagawa.

Magsimula nang pumasok ako dito hindi ko na naranasan ang magcut class at tumambay sa library o kaya sa waiting area.

Ngayon alam ko na kung bakit ganun. Kung bakit biglaan akong nagbago. Dahil ako na si Zion Morano, kaya lahat ng ugali, pagkatao at alaala niya. Ako na ang nagmamay ari.

Walang gaanong estudyante dito sa cafeteria dahil sa malamang ay nasa klase pa sila.

Tahimik lang na nilalantakan namin yung mga chips at sandwiches na binili namin. Walang nag atubiling magsalita.

"Andito pala kayo, ayus lang ba dito ako umupo?" mahinahong smbit nung lalaking kadadating lang.

May hawak itong tray na may isang plate ng mac cheese at isang chocolate drink.

"Ano ka ba wala namang nakaupo dyan kaya pwedeng pwede." halos hindi maintindihang sgot ni Jade. Punong puno kasi yung bibig niya nung sandwich.

Actually pangalawang sandwich niya na yan. Ewan ko ba dito akala mo hindi pinakain ng isang lingo.

Moonlight In Ciudad (BL Story) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon