Zion's POV
Wala sa sariling naglalakad ako sa kawalan. Paulit ulit pumapasok sa isip ko yung nakita ko kanina. Ganito ba talaga kasakit yung pakiramdam kapag nagexpect ka? Ganito ba talaga yung pakiramdam ng walang magawa kasi kaibigan ka lang?
Parang dinudurog ng hanggang sa milyong piraso yung puso ko. Hindi ko na din mahinto ang mga mata kong mala gripo na walang humpay sa paglabas ng mga likido.
Bakit kasi kailangan ko pang magmahal dun pa sa taong kahit kailan hindi ako mabibigyang pansin. At isa pang bagay bakit ako nakakaramdam ng pagmamahal sa kapareha ko pang kasarian. Dun palang dapat alam ko na, alam ko na dapat na hindi kami pwede para sa isa't isa.
Marami akong nadadaanang mga tao na tumitingin saakin pero wala akong pake sakanila. Hindi naman nila kayang alisin itong sakit na nararamdaman ko.
Damn you Zach! Mahal kita pero bakit ang sakit sakit?
Hindi ko na namalayan kung saan na ako nakakarating, basta isa lang ang alam kong dapat kong gawin. Ang lumayo sa mga bagay na magpapalala ng sugat na nararamdaman ko.
Nararamdaman kong ilang beses ng nagvi vibrate yung phone ko pero kahit na isang tawag wala akong sinasagot.
Hindi ko na inintindi kung ilang oras na ang nakalipas at namalayan ko nalang na andito na ako sa gate ng bahay namin.
Ilang beses kong pinindot ang doorbell. Alam kong sa mga oras na ito mga tulog ng yung nasa loob ng bahay.
Maya maya pa may bumukas na ilaw mula sa loob at narinig kong may mga yabag ng paa na parang tinatamad na naglalakad.
Bumukas na yung gate at bumungad sakin ang naniningkit na mata ni Mama.
Nakasuot na siya ng Pajama na color yellow paborito niya kasing kulay yun. Halatang mahimbing na yung tulog niya bago ko siya magising.
"Oh Zion. Ano ka ba naman, anong ginagawa mo dito sa ganitong oras?" tanong niya habang kinukusot yung mata.
Hindi ako sumagot. Pakiramdam ko wala ng lalabas sa mga bibig ko dahil sa sakit na nararamdaman ko.
Ilang minuto din ang tumagal bago ulit siya nagsalita.
"Anak may problema b-? Teka, umiyak ka ba? Namamaga na yang mga mata mo oh" lumapit siya saakin at hinawakan ng dalawa niyang kamay ang magkabilang pisngi ko.
Mas lalong bumigat yung pakiramdam ko nung tanungin niya ako. Unti unting namumuo yung mga luha sa mata ko.
"Anak ano bang nangyari sayo? Halika pasok na tayo sa loob. Dun tayo mag usap ha" dumako yung kamay niya sa kamay ko at dahan dahan niyang hinila papasok sa loob ng bahay.
Nakaupo ako ngayon dito sa sofa namin andito na ako sa sala. Maya maya pa lumabas si mama galing sa kusina at may dala dalang tubig. Ibinaba niya yun sa lamesa na katapat ko at umupo sa tabi ko.
"Anak, may problema ba? Andito lang ako, sige lang makikinig ako" hinimas niya yung braso ko at doon tumulo na ng tuloy tuloy yung mga butil ng luha ko kasabay ang walang humpay na pag hikbi.
"Ma, ang sakit sakit. Sobrang sakit, ma!" hindi ko na napigilan ang sarili ko mas lalong napahagulgol na ako.
Agad naman akong niyakap ni mama at hinimas himas yung buhok ko.
"Umasa pa kasi ako eh. Wala naman kasi akong karapatan Ma, pero naghangad ako ng mas higit pa" medyo mataas na ang tono ng pagsasalita ko.
BINABASA MO ANG
Moonlight In Ciudad (BL Story) (Completed)
Storie d'amoreRed String Series 1 When they are reborn again, both of them will feel like they have known each other for so long. It's like they have been waiting for their whole life to meet each again. A highschooler named Elijah was meant to meet Kenneth on a...