Elijah's POV
"Basta Eli yung mga paalala ko sayo ha" sabi ni Mama habang inaayos yung mga damit ko sa cabinet.
Huminga ako ng malalim bago sumagot. "Yes Ma"
Ilang beses na niya kasi sinabi saakin yun. Paulit ulit din yung mga paalala niya. Hindi naman sa naririndi ako pero mas nahihirapan kasi ako tanggapin na mamaya ako nalang mag isa dito.
Lumabas muna ako sa kwarto. Nakita ko si Papa sa lamesang nasa balcony na nakaharap sa kanyang Laptop at may kausap sa telepono.
Madalas laging ganun ang kanyang gawain at laging kaharap. Hindi ko naman na dapat punahin yun dahil tungkol lang sa business nilang dalawa ni Mama yun.
Gustong gusto ko ng maglibot libot dito. Kating kati na yung mga paa kong maglakad lakad.
Umupo nalang muna ako sa sofa at dinukot yung phone ko.
"Kamusta? Nakarating na ba kayo? Kakatapos ko lang pumunta sa library para sa assignment. Nakakainis wala akong kasabay maglakad pauwi ngayon."
Basa ko sa text ni Miya.
Sinilip ko yung orasan at hindi ko namalayang 4:35 na pala ng hapon. Gantong oras lagi kaming umuuwi ni Miya kasi kadalasan palagi siyang nagpapasama sa library para sa mga assignments or projects niya.
Sinabi ko na sakanya na pwede naman niyang mahanap lahat ng sagot sa internet just one click and andun na yung sagot. But Miya is different, mas gusto niya yung pinaghihirapan at sa mismong libro hahanapin dahil ganun daw ang pag aaral noon kaya matatalino ang tao noon.
Napangiti nalang ako sa naalala. Buong araw ko nang hindi naririnig yung tinis ng boses niya at yung palaging pagsigaw niya.
"Ma, tapos ka na ba dyan? We have to go on the office may biglaan daw kasing pa meeting ang branch natin sa south." Sigaw ni Papa na nakaupo pa din sa upuan sa balcony.
Maya maya pa lumabas na si Mama sa kwarto habang dala dala yung bag ko.
"Oh Elijah. Ayos na lahat ha. Pero parang awa mo naman matuto kang maglinis linis dito ha." sabi niya.
Tumango nalang ako habang sa cellphone ko pa din nakatingin. Umalis si Mama sa harap ko at pinuntahan si Papa sa balcony.
Maya maya pa narinig kong muli silang pumasok sa loob.
" Oy Elijah, nakikinig ka ba ha? " tanong ni mama.
Tumingin ako sakanya at hindi mapigilang mapangisi.
"Yes Ma. Haha. Ano ka ba Ma hindi mo ako kailangan pang paalalahanan nang paalalahanan. I'm already 17 yeard old and I'm old enough. Haha" natatawang biro ko.
BINABASA MO ANG
Moonlight In Ciudad (BL Story) (Completed)
RomanceRed String Series 1 When they are reborn again, both of them will feel like they have known each other for so long. It's like they have been waiting for their whole life to meet each again. A highschooler named Elijah was meant to meet Kenneth on a...