Zion's POV
Confess your love, first
Ano? Confess my love?
"Akala niya ba ganun kadali yun?"
"Anong hindi madali?" muntik na akong mahulog sa kinahihigaan ko nang may magsalita mula sa pinto.
Umayos ako ng upo sa higaan ko at ibinaling lang sa iba yung tingin ko. "Wa..... Wala"
"Hoyy Hoyy Zion! Ikaw ba may tinatago ka sakin?" tanong niya habang naglalakad papunta sa higaan niya.
"Ano namang itatago ko sayo?" medyo ngumisi pa ako para kunwaring wala akong alam sa sinasabi niya.
"Sus.... Eh bakit kaninang lunch break tinatawag kita tapos nung biglang may nakita ka lang para kang batang takot na takot na kumaripas ng takbo?" seryoso yung itsura niya na nakatitig lang saakin.
Nakaramdam ako ng kaunting kaba dun sa mga sinabi niya. Pero ganun pa man hindi ko inalis yung inosenteng itsura ko para kunwaring wala akong alam sa gusto niyang iparating
"Ahh yun ba? May ano...... Kasi ano ehh...... Ahmm........ May kailangan kasi akong ipasa sa isang subject ko kaya nagmamadali ako kanina" here we go again with that kind of palusot Zion.
"Ahh ganun ba? Eh....... Bakit ang aga mong umuwi? Ang alam ko meron ka pang class ngayon ah" nakatitig lang talaga siya sakin habang nakataas yung isa niyang kilay.
Alam kong tanga tong kaibigan ko pero bobo ako masyado sa pagsisinungaling.
"Ahhhh.. Kasi....... Ahmmm.....Ahhh... Medyo sumama kasi yung pakiramdam ko hehe kaya nag cut class na ako at umuwi na" medyo nag act ako na matamlay at hinipo hipo pa yung leeg.
"Ahh ganun ba? Sige. Shower na ko ha" sabi niya at tinuro pa yung cr. Tumango lang ako bilang tugon at ngumiti sakanya.
I deeply sighed.
Ang hirap naman mag isip sa ganitong sitwasyon. Buti nalang hindi ganun katalino si Phillip para mahalata yung kinikilos ko. Pero aaminin ko muntik na ako dun. I just shook my head to throw all of this things in my head.
"See? Sabi ko na eh may hindi ka sinasabi sakin eh. " nanlaki ang mga mata ko. Akala ko ba maliligo na yun?
Para akong naistatwa sa kinauupuan ko. Maski lingunin siya hindi ko magawa. Namalayan ko nalang na naglalakad na siya sa harap ko habang sinusundan lang siya ng mga mata ko.
"Dahil ba ito kay Zach?" seryoso yung mukha niya at yung boses niya. Nakatitig lang ako sakanya, dapat ko bang sabihin?
Ilang minuto din kaming nagtitigan. Ngumisi ako ng mahina and gave him questionable look.
"What about Zach?"
"Zion look, you and Zach, both of you suddenly disappeared in the bar last night. And I thought you're with him kaya hindi ako nagtaka nung hindi ka umuwi dito sa dorm" lumapit sya sa higaan at umupo sa tapat ko. "Pero kaninang umaga I met Zach in the parking area nitong dorm and asking about you. He seems so worried about you." dagdag niya pa.
Kaya pala nung may napansin akong sasakyan na sobrang familiar sa parking area kaninang umaga. Siya pala yung nasa loob.
"And kaninang lunch its like iniiwasan mo si Zach kaya hindi ka pumunta samin. What really happened? Did you guys fight again?" hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
Hindi gumagana isip ko sa mga oras nato ang gusto ko lang matulog habang nalulunod sa kakaisip sa mga nangyari.
" Or........... Its because of Hazel? "
BINABASA MO ANG
Moonlight In Ciudad (BL Story) (Completed)
RomanceRed String Series 1 When they are reborn again, both of them will feel like they have known each other for so long. It's like they have been waiting for their whole life to meet each again. A highschooler named Elijah was meant to meet Kenneth on a...