Zion's POV
Alarm buzz......
Agad akong lumapit sa higaan ko para patayin yung alarm ko sa phone.
It's just 7:00 am and sa mga oras na ito magsisimula palang akong kumilos. Pero hindi ngayon, ewan ko ba bakit nauna pa akong magising kaysa sa alarm ko. I feel so happy and very inspired this morning.
Tapos na akong kumilos sa lahat and aalis na ako para pumasok. May 8 am class ako today. Napatingin ako sa direksyon ni Phillip at nakita kong nakanganga pa ang mokong habang sobrang himbing pa yung tulog. Wala namang morning class yun kaya hindi ko na siya gigisingin.
Matapos ang nangyari kagabi parang ibang pakiramdam yung mararamdaman mo pag gising sa umaga. Halos Labing Siyam na taon hindi pa din ako makapaniwala na hindi na ako single.
Ganito pala feeling ng inlove. Sisimulan mo yung araw mo na masaya kasi inspired ka. Yung tipong pag naglalakad ka para kang nasa ulap.
Naglakad na ako palabas ng dorm. Hindi ko muna magagamit yung bike ko dahil nabutasan siya ng gulong kagabi habang pauwi matapos kong makipagkita kay Zach. Pati ata gulong ng bike ko kinilig sa mga kaganapan kagabi. Kaya ang plano ngayon ay ang magcommute.
Pagalabas ko ng entrance ng dorm ay huminga ako ng malalim at nilanghap ang simoy ng hangin. Kahit hindi ganun ka fresh kasi wala naman masyadong puno dito pero ayos na yun.
"Uyy ano ba yun?" muntikan ng mahulog yung kaluluwa ko nang may biglang bumusinang sasakyan sa harap ko.
"Goodmorning Zion" bungad niya pagkababa niya sa sasakyan.
Hindi naman ako makapagsalita agad dahil medyo nahihiya pa ako sa kaniya. Tinitigan ko lang siya habang papalapit saakin.
"Uyy mas matutunaw pa ako sa titig mo kesa sa sinag ng araw na nakatapat pa dito" mas lalo pang lumawak yung ngiti niya. Lalo pa tuloy akong nahiya. Ganun ba talaga ako kahalata sa lahat ng bagay?
"Ewan ko sayo, bakit ka ba andito? Maaga ba pasok mo?"
"Eh? Bawal bang sunduin ko yung boyfriend ko?" walang kung ano biglang naramdaman kong biglang uminit yung magkabilang pisnge ko. "Oh Zion, ayos ka lang ba? Namumula yung pisnge mo"
Hahawakan niya sana yung pisngi ko pero agad kong tinapik yun. "Stop! Lets go baka malate pa tayo" atsaka hindi ko na kaya sobrang kinikilig na ako.
Agad na akong nagtungo sa sasakyan niya. Hindi ko mapigilang mapangiti ng parang wala ng bukas.
Damn you Zach.
Agad naman akong pumasok sa sasakyan at sumunod siya na abot tenga pa din yung ngiti.
"Anong nginingiti ngiti mo dyan?" pagsusungit ko sa kanya.
"Wala. Ang cute mo kasi kiligin para kang kamatis" sabay tumawa siya ng malakas. Arghh bakit imbis na magalit ako mas lalo pa akong kinilig? "Oh ayan oh, parang hinog na kamatis yang pisngi mo" sabay turo sa mga pisngi ko.
Pinalo ko naman ng mahina yung braso niya para sabihing tama na. Pero deep inside mas gusto ko yung bagong ganito. Yung hindi kami nagsusungitan at hindi kami nagsisigawan.
Ilang minuto na ang tinagal namin dito pero hindi pa din umaandar yung sasakyan. Tinignan ko siya na nakatitig lang saakin.
Maya maya pa lumapit siya saakin. Parang nag slowmo yung paligid. Pati yung paglapit niya ay dahan dahan. Hanggang sa ilang sentimetro nalang ang layo ng mukha namin sa isa't isa.
Kitang kita ko ng malapitan ang maputi at makinis niyang mukha, ang matangos niyang ilong at ang amoy niyang umpisa palang ay gustong gusto at hinahap hanap ko na.
BINABASA MO ANG
Moonlight In Ciudad (BL Story) (Completed)
RomanceRed String Series 1 When they are reborn again, both of them will feel like they have known each other for so long. It's like they have been waiting for their whole life to meet each again. A highschooler named Elijah was meant to meet Kenneth on a...