Chapter 39: History Untold

49 5 0
                                    

Chapter 39: History Untold

Third Person's POV

Tahimik lang na nag aalmusal sina Kenneth kasama ang Mama, Papa at Bunsong kapatid niya.

Mababakas mo sa mukha ni Kenneth ang pagkabalisa at ang pagod. At mukhang napansin iyon ng kanyang Ina.

"Ken.... Are you alright?" tanong ng Mama niya.

Sanay na sila rito dahil simula nang mamatay ang kaibigan niya naging mailap na ito sakanila. Hindi na nila nasisilayang ngumiti at maglambing ulit. Tuluyan na siyang naging malamig sa lahat. Pero iba ang pakiramdam niya dito ngayon.

Walang ganang ngumiti siya." Ofcourse Mom.... I'm fine."

Pero hindi napawi ng pekeng ngiti niya ang pag aalala ng Mama niya. Batid nito na mayroong gumugulo sa isip nito.

"Maam, Sir Ichan, andyan na po yung service ninyo." mahinahong sambit ng kasambahay na kakapasok pa lang sa kusina.

Nagpaalam na ang Mama at Papa niya sa bunsong kapatid nito at nakipag apir pa sakanya bago ito tuluyang makaalis.

Sandaling tinitigan ulit si Kenneth ng kanyang Ina. Sobrang daming tanong ang gusto niyang itanong dito, but knowing his son. Mukhang hindi niya makukuha ang sagot na hinahanap niya.

Napansin naman ng Papa niya ang pag aalala sa mukha ng kanyang asawa kaya alam niya na kung ano ang ipinapahiwatig nito.

"Ken.... Is everything really alright?" hindi na napigilang itanong ng Papa niya.

Maya maya pa tumingin ito sakaniya. Namumuo ang mga luha sa mga mata nito at kitang kita ang sobrang kalungkutan sa mukha niya.

"I don't know Dad." matipid na sagot niya.

Nagulat naman ang kaniyang Ina sa ipinakita nitong emosyon. Sobrang pag aalala ang bumakas sa mukha niya kaya agad itong tumayo at lumipat sa upuan kung saan nakaupo si Ichan kanina.

"What's the problem, anak. You know you can tell us. Magulang mo kami..... We can understand you." nag aalalang sambit ng kaniyang Ina.

"I dont know Mom......... Kahit sabihin ko sainyo you would never understand."

Hindi na niya napigilan ang emosyon at ang pinipigil na mga luha. Malayang umagos ito sa kanyang pisnge na parang sirang gripo.

Agad hinahawakan ng kaniyang Ama ang kaniyang kamay at hinimas himas iyon. Maparamdam lang sakanya na meron siyang karamay at may handang makinig sa lahat ng sasabihin niya.

"Kenneth, I'm your father. How could I didn't believe in you?"

Tumingin itong muli sakanyang Ama. Punong puno ng lungkot ang mga mata. Sandali siyang lumanghap ng hangin bago magsalita.

"I........... I am Zach's reincanation."

And a minute of silence.

Walang sinuman ang may gustong magsalita at gumawa ng ingay. Bakas sa dalawa ang pagkagulat. Hindi nila inaasahan na iyon ang kanilang maririnig mula sa kanilang anak.

Matagal na panahon na nang marinig nilang muli ang pangalan na iyon. Sa pagkakaalam nila ay hindi nila naikwento kahit minsan sa dalawang anak nila ang pangalang iyon.

Bumakas sa mukha ng kaniyang ama ang magkahalong lungkot at pagtataka.

Napansin din ng kaniyang asawa ang pagkuyom ng mga palad nito.

"I know you wouldn't believe me. But I am........." pinunasan nito ang kaniyang magkabilang pisngi na basang basa ng luha.

"You don't know what you're saying. It's nonsense." may bahid ng galit sa tono ng pagsasalita ng kaniyang ama.

Moonlight In Ciudad (BL Story) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon