Chapter 35: Old Friendship III

41 6 0
                                    

Chapter 35: Old Friendship III
Forgiveness

Elijah's POV

Tanghali na nang magising ako kaya wala na ako masyadong naabutang mga estudyante ng CIS sa Main hall para mag almusal.

Mag isang nilalantakan ko ang tatlong pancakes na may butter at honey sa itaas at ang mainit na tsokolate. Wala sa sariling nakatunganga at lumilipad ang isip.

Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog kagabi habang nakatulala lang sa ceiling ng kwarto ko. Katabi kong matulog si Mccoy dahil daw sa nakipagpalit sakanya si Kenneth. Mabuti nalang at naisipan niya ang bagay na iyon dahil hindi ko din gugustuhin ang makatabi siya.

Hindi ko lubos maisip na ganito ang ipinunta ko dito sa lugar na ito. Hindi ko maintindihan bakit ito ang ibinigay saakin. Ang alam ko pupunta kami sa lugar na ito para makahinga mula sa syudad at mula sa stress na dulot ng school, pero mas malala pa pala yung nakuha ko.

Aksidenteng napadpad ang tingin ko sa counter. Nakita ko doon ang ayoko sanang makita ngayong araw. Pawis na pawis ito habang hinihingal. Kakatapos lang siguro ng unang activity ngayong umaga.

Napansin ko naman sakanya na wala kahit saang parte ng katawan niya na nakataling panyo.

Baka nakalimutan niya lang isuot yun.

Pero hindi niya pwedeng makalimutan yun dahil sa isa siya sa mga leader kaya dapat ayun ang unang unang sisiguraduhin niya na hindi mawawala sakanya. And knowing this President of Student Council, he always know what to do and the things that is important and not.

Maya maya pa nadapuan ng tingin ko ang hingal na hingal habang nagmamadaling makatakbo ng counter na sina Jade at Allison. Anong meron?

"A-ate, pahingi po ng tubig at yelo po....." hingal na hingal na sambit ni Jade.

Anong gagawin niya sa yelo? Baka kasali sa yun sa bagong activity.

"My Ghad, Eli.....anong ginagawa mo pa diyan?" hingal na hingal at pawis na pawis si Allison nang magawi ang tingin ko sakaniya.

"Why? Hindi naman ako kasali sa maglalaro para sa activity ngayong umaga." mahinahong sigaw ko dahil kapag hininaan ko hindi niya maririnig dahil sa layo ko sakanila.

"May problema tayo......." seryosong sambit niya habang nakapamewang.

Nagawi nag tingin ko sa katabi nila na si Ash habang umiinom pa din ng tubig habang nakatingin at nakikinig lang saamin.

"Kenneth..........." pabiting sabit niya at iniabot niya yung bloke ng yelo at ibinalot iyon sa dala nilang towel.

"Kenneth is unconcious. He fainted while in the field." sigaw niya at muling humarap saakin.

Nabigla ako sa sinabi niya. Bigla akong nakaramdam ng pagkataranta. Nakita ko din ang reaksiyon ni ash at mukhang siya ay nagulat din sa narinig.

Oo galit ako sakanya pero bakit naman kailangan niya laging gumawa ng ganitong klaseng eksena? Napakapapansin talaga nun.

Agad akong napatayo at namalayan nalang na tumatakbo na din kasama sila Jade na nasa likod ko. Hindi din nakaligtas sa pakiramdam ko ang pagtakbo ni Ash at ang mukhang nag aalala.

Alam kong galit siya sa kaibigan niya pero hindi pa din maaalis sakanya na kaibigan niya pa din ito. Hindi man niya gustong iparamdam kay Ken pero andun pa din ang paki at pag aalala nito lalo pa't si Ken nalang ang natitirang kaibigan niya.

Hingal na hingal na narating ko ang kinaroroonan nila. Andito sila sa ilalim ng puno ng mangga sa pinaka gilid ng dalampasigan. Tirik na tirik ang araw.

Moonlight In Ciudad (BL Story) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon