Chapter 42: Right here, beside You

40 6 0
                                    

Chapter 42: Right here, beside you

Kenneth's POV

Andito ako sa labas ng ward ni Eli.

I can't see him inside while large tubes are in his mouth connected to his lungs so that he can succesful to breath.

Ayokong makitang nahihirapan siya. Ayokong makita kung gaano kahirap ang sitwasyon niya na kahit anong gawin ay hindi na kaya pang pagalingin pa.

I remember what my mother told me about the condition of Eli.

Elijah has a Stage 4 leukemia. It is a type of cancer na nagpapahina ng katawan niya.

Matagal na palang may iniindang pagdurugo si Eli at ang matagal na paggaling ng mga sugat niya dahil sa nagiging epekto ng sakit na iyon. Ito din ang nagiging dahilan kung bakit ay madalas siyang mahilo at naaapektuhan na din ang kaniyang paghinga dahil sa nakakaapekto din ito sa kaniyang puso.

I also discovered from Hazel that Elijah has been diagnosed on mild leukemia when he is still 5 years old. Patuloy sila sa check up and blood transfer to Eli but this year came.

Sinabi ni Elijah that he is now fine. Ilang beses na siyang kinulit ng mga magulang niya about sa mga follow up check up pero lagi lang sila nitong tinatakbuhan at palaging sinasabi na magaling na daw siya.

Kaya umabot ang lahat sa ganito. The cancer is now getting worst at umakyat na nga sa stage 4. Labis na nitong pinapahina ang katawan ni Eli at ang heart beat nito. And about sa nangyaring pagkabagok niya ay wala namang malalang nangyari. Mabuti nalang daw at external bleeding ang nakita nila dahil kung internal ito ay mas magiging doble ang chance ni Eli na bumagsak ang katawan at tuluyan na kaming iwan.

Based on my mom, they will do their best for Eli to survive but its all up to the body of Eli kung kakayanin niya pa bang lumaban.

I was so exhausted. Hindi ko alam ang gagawin para lang matulungan si Eli sa sitwasyon niya.

Andito ako sa dingding katabi ng pinto sa labas ng ward niya. Ayoko siyang makita sobra akong nasasaktan. Hanggang ngayon kasi wala pang malay si Elijah matapos ang operation niya sa pagtahi sa sugat at pag test ng dugo niya.

Maya maya pa naramdaman kong bumukas ang pinto sa gilid ko.

Iniluwa nito si Hazel. Kitang kita mo sa mga mata niya ang sobrang lungkot at pagkabalisa. Namamaga din ito dahil sa sobrang pag iyak.

Lumapit ito saakin at pinilit pakalmahin ang sarili. Tumitig ito sa mga mata ko.

"M-maraming salamat sa pagsugod agad sa anak ko sa ospital......................... Kahit papaano nailigtas mo ang buhay niya."

Pinilit kong pigilan ang mga luha ng mga mata ko. Kailangan kong maging matatag. Hindi ganito ang gusto ni Eli. Ayaw niya ng mga taong mahihina at madaling sumuko.

"W-walang anuman po.............. K-kahit sino naman po ay gagawin kung ano yung ginawa ko." my voice cracked.

Ngumiti ito ng pilit. "Ang swerte ng anak ko saiyo.......... He finally found a right person. Kaya ngayon matatahimik na ako.."

Sandaling natigilan ako sa mga sinabi niya. Did she know?

Ngumiti ito at tumango tango na para bang nababasa kung ano ang nasa isip ko.

Maya maya pa ay humakbang ito paharap saakin at idinampi ang malambot niyang palad sa pisngi ko. Hindi na nito napigilan ang sarili at muling tumulo ang mga luha sa pisngi nito.

"H-h'wag mong susukuan ang anak ko ha.............. Samahan mo siyang lumaban.............. Laban ninyong dalawa ito."

Naramdaman ko na rin ang malayang pagtulo ng mga luha sa pisnge ko.

Moonlight In Ciudad (BL Story) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon