Chapter 25

61 8 0
                                    

Elijah's POV

Ahmm...... Zi.... Zion" nauutal niyang sabi. Mahinahon yun.

Andito kami ngayon sa madilim at tahimik na lobby.

Nakasandal lang ako sa mga locker habang naghihintay na may magbukas ng pinto.

"hmm?" ikling sagot ko

"What do you think on me?" Hindi ko inaasahang yun ang sasabihin niya.

"wha....... What do...... You mean?" ngayon ako naman itong nauutal.

"Ahmm......... Ne.... Never mind" isang malalim na paghinga ang ibinigay niya. ?

Bigla niyang inalis yung pagkakayakap ko sa tuhod ko at ipinaunat ang paa ko at walang anu anong humiga siya at ipinatong ang ulo sa lap ko.

"I'm just taking a nap. Tell me pag nagkaroon na ng power." mahinahon niyang sabi at pumikit na.

Hindi ako makagalaw sobrang lakas pa din ng tibok ng dibdib ko ano bang ibig sabihin nito?

Tinitigan ko lang yung mukha niya.

Namalayan ko nalang na binabaybay na ng kamay ko ang kanyang buhok. Hindi ko alam ang nangyayari para bang may sariling buhay yung katawan ko at gumagalaw sila ng kusa.

Sobrang lambot ng buhok niya. Maya maya binaybay naman ng isa kong kamay yung yung mukha niya.

Dumampi yung palad ko sa makinis at malambot niyang mukha. Sunod kong hinawakan yung labi niya pero bigla akong nagulat ng pigilan niya yung kamay ko.

Unti unti dumilat yung mata niya at ngayon ay nagkatitigan na kami. "Zion gusto mo ba ako?" nagulat ako sa mga sinabi niya.

Mas lalong kumabog yung dibdib ko hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Am I inlove with Zach?

Dahan dahan kong idinilat ang akin mga mata. Nasilaw ako sa liwanag ng buong paligid. Nasan ako?

Ilang beses pa akong kumurap bago nabawi at luminaw ang aking paningin. Walang kahit na anong ingay sa loob maliban sa tunog aircon.

Ibinaling ko sa bintana ang aking tingin. Madilim pa sa labas.

"Anong nangyari?" bulong ko sa sarili habang tinutulungang makaupo.

Nakita ko sa may gilid ng higaan ko ang isang babaeng natutulog. Nakauniform ito. Hindi ko siya makilala dahil sa natatakluban ang buhok niya ang buong mukha niya. Kumunot ang noo ko. Sino to?

Maya maya pa bigla itong gumalaw at naghihikab. Nakataas lang ang kilay na nakatitig ako sakanya. Unti unting itinaas niya ang kanyang ulo.

"Hmm. Gising ka na? Kamusta? Anong nararamdaman mo? May masakit ba? Ano nahihirapan ka bang huminga? Nagu......"

"Tama na." putol ko sakanya. Napakadami naman kasi ng tanong niya. Ako yung hinihingal sakanya e. "Ano bang nangyari?"

"Aw. Hindi ba dapat ako ang nagtatanong sayo niyan? Anong nangyari?" pagbabalik niya ng tanong.

Sa totoo lang. Hindi ko din maalala.

"Hindi ko din alam eh" wala sa sariling sambit ko.

"Eh? Pwede ba yun? Walang nakakaalam ng nangyari sayo. Magdadalawang araw ka na dito" nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Dalawang araw?

"Atsaka paanong hindi maalala e nagtext ka pa saakin nung gabing yun diba?" nagtatakang tanong niya.

Kumunot ang aking noo sa sinabi niya. "Nagtext? A-anong text?" naguguluhang sambit ko.

Moonlight In Ciudad (BL Story) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon