Chapter 44: Sundo

66 7 0
                                    

Chapter 44: Sundo

Isang napakaliwanag na paligid ang sumalubong saakin pagkamulat ng aking mga mata.

Ito na ba?

Tapos na ba talaga?

Inilibot ko ang aking paningin. Isa itong pamilyar na lugar saakin. Ang huling lugar na pinuntahan ko bago magsimula ang lahat ng ito.

Namalayan ko ang aking sarili na nakaupo sa malaking ugat ng punong ito.

Ang garden ng CIS.

Itiningala ko ng kaunti ang aking ulo. Sumilay sa aking mukha ang liwanag na nanggagaling sa haring araw. Kulay asul ang kalangitan. Hindi rin gaano masakit sa balat ang pagdampi ng sikat ng araw.

Napakaperpekto ng araw na ito.

Hinawakan ko ang dibdib ko. Wala na akong sakit na nararamdaman.

Naramdaman kong may papalapit sa direksyon ko. Rinig ko ang pagtunog ng pag apak sa mga tuyong dahon.

Agad akong tumingin sa taong nasa harap ko.

Nakangiti ito habang payapang iniabot ang kamay niya upang matulungan akong makatayo.

"Zion........" bulong ko.

Mas lalong lumapad ang ngiti nito. Maaliwalas ang mukha nito at para bang wala ibang problemang iniisip.

Dahan dahan kong inabot ang kamay niya at maingat na tumayo.

Sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam ako ng saya sa puso ko.

Walang anu ano ay kaagad ko siyang niyakap. Naramdaman ko ang luha mula sa mata ko na malayang dumausdod sa pisngi ko.

Nakangiti habang may luha sa mga mata.

Nakita ko din sa di kalayuan sa likod ni Zion nakatayo ang isang lalaki. Maaliwalas din ang mukha nito at payapang nakangiti.

"Zach........"

Lumapit ito saamin at hinawakan ang buhok ko at marahang ginulo iyon. Muli, nakaramdam ako ng saya sa dibdib ko. Muling tumulo ang luha sa mga mata ko.

Nakita ko na silang muli. Ang mga alaala ko.

Maya maya pa kumalas na kami sa pagkakayakap. Patuloy ko pa din silang pinagmamasdan. Masaya. Magkasama. Wala nang sakit at hirap na nararamdaman.

Sandaling naalala kong muli si Ken. Ang taong mahal ko.

Alam kong hirap na hirap na siya sa nangyayari. At ang maiwan muli.

"Tara na?" muli akong napatingin kay Zion nang magsalita siya.

Kumunot ang noo ko.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko pabalik.

Humakbang papunta sa harap ko si Zach. "Sinusundo ka na namin."

Sa kabilang banda, nakaramdam ako ng kirot sa dibdib. Ito na ba talaga? Tapos na ba? Sasama na ba ako sakanila?

Nilahad ni Zion ang kaniyang palad.

"Tara?"

Sasama na ba ako?

Muling tumulo ang mga luha sa mga mata ko. Sa oras na ito, tuloy tuloy na ito na para bang sirang gripo.

Ayoko pa........

Moonlight In Ciudad (BL Story) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon