Chapter 6

84 6 0
                                    


Zion's POV

Nagising ako nang maramdamang may humawak sa ulo ko. Hinihimas ito. Nasa ospital pa din ako hindi ko namalayang dito na ako nakatulog. Agad akong tumingin kay Zach.

Gising na siya. Tahimik lang na pinagmamasdan ako habang hinihimas yung buhok ko. Hindi ako sanay makita siyang ganito. Mahina.

"Oh, gising ka na! May kailangan ka ba? Gutom ka na ba? Anong gusto mong kainin?" sa sobrang dami kong tinanong sakaniya ngiti lang ang sinukli niya sakin.

"Eh? Anong ngini ngiti ngiti mo dyan?" tanong ko sakaniya.

"Ang cute mong magalala" sabi niya na nagpatahimik sakin.

Putek bakit parang umiinit yung mukha ko? Dont tell me. Argghhh wag. Just dont.

"You're blushing hehe" tapos bigla siyang tumawa. Hindi ko nalang pinansin yung sinabi niya kailangang wag na namin yun pag usapan.


"Ahmm kamusta na pakiramdam mo?" Mahinahon kong tanong.

Sa totoo lang hindi ko talaga maiwasang hindi ipakita sakaniya na sobrang nagaalala ako.

"Eto natalo hehe ikaw kasi eh" nagbiro pa siya.

Itong lalaking to talaga hindi marunong magseryoso. Anong dahil sakin. Dahil sakin kaya siya nabubog? Anong kinalaman ko dun bugbugin ko din siya eh.

"Zach. Tell me, ano bang nangyari?" sumeryoso na ako para mahalata niyang its not time for any jokes.

Umupo siya. Halata mo na sobrang sakit ng iniinda niya dahil sa konting kilos niya may sumasakit sa katawan niya.

"Sa totoo lang hindi ko din alam. Basta paglabas ko ng building may sumigaw na babae dun kung saan mo ako nakitang binubugbog" Huminga siya ng malalim.

"Pagtingin ko yung babae si Tiffany pala humihingi siya ng tulong. Kaya ako agad akong pumunta sa kinaroroonan nila." umayos siya ng upo kaya napangiwi siya sa sakit dahil sa bawat galaw niya ay masakit.

"Mahinahon akong nakipag usap sa kanila pero bigla akong nakatanggap ng isang sapak. Nakita kong tumakbo na palayo si Tiffany. Hanggang sa pinagpasapasahan nila akong tatlo. Tapos bigla ka ng dumating. Alam ko yung pag alarm ng emergency bells ikaw ang may gawa. "Dugtong pa niya tapos ngumiti pa.

Naiinis na talaga ako dito. Hindi niya sineseryoso." Bakit hindi ka pumalag? Kilala kita alam kong hindi ka papayag na masaktan nila! "

"Sabihin nalang natin na dahil sa isang tao. Ayoko ng pumasok sa gulo. " Agad naman akong napatingin sa kanya nang sabihin niya yun.

Kaya ba nitong mga nakaraang araw eh parang hindi siya yung nanapak sakin parang hindi siya yung siga siga sa university. I wonder who is that girl at nang mapasalamatan.

"So.......... Who is she?" tinignan ko siya na naghihintay ng sagot. Ngumiti lang siya at humiga na. At tumalikod sakin.

"Oyy... Oyy wait..... Hindi mo pa sinasagot yung tanong ko!" sabi ko sabay punta sa kabilang side kung saan siya nakaharap.

Nakita ko siya nakangiti. Tinitigan ko siya tapos nilagay yung kamay ko sa bewang nagiintay sa sagot niya.

"Zion, Im tired let me rest" biglang siyang ngumiti sabay pikit.

Hayy ok kung ayaw niya sabihin fine. Sino ba naman ako para sabihan niya ng ganun.

"Fine. I will go down do you anything want to eat?" tanong ko habang nagtungo sa bag ko para kunin yung wallet ko.

Moonlight In Ciudad (BL Story) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon