Chapter 17

68 9 0
                                    


Zion's POV

Isang nakakasilaw na liwanag na galing sa araw ang gumising saakin. Kinusot kusot ko ang aking matang inaantok pa.

Napatingin ako sa sa suot ko isang long sleeve na white na sobrang laki saakin at black na boxer. Tinapunan ko din ng tingin ang hinigaan ng katabi ko kagabi pero tanging unan lang ang nakita ko.

Napatingin ako sa orasan na nakapatong sa maliit na table sa tabi ng kama, 7:40 palang ng umaga. Wala naman aking morning class ngayon dahil 11:35 pa ang klase ko. Nag inat muna ako bago tumungo sa banyo at naghilamos.

Paglabas ko ng banyo ay agad kong naamoy ang nasarap na amoy ng pagkain. Dahan dahan akong bumaba at sinilip silip kung sino ang nagluluto.

Natanaw ko mula sa hagdan ang nakatopless pero nakasuot ng apron at blue na boxer na si Zach.

Why are you so hot even in the morning?


Naramdaman niya siguro na may nakamasid sakanya kaya agad siyang tumingin sa direksyon ko. Ngumiti siya na parang wala ng bukas. Hayyy napakasarap mong pagmasdan paggising palang sa umaga

"Goodmorning" ngumiti siya bago bumalik sa ginagawa niya.

Those precious smile. Damn you Zach.

Bumaba na ako at dumiretso sa ref para kumuha ng maiinom.

"You're damn so sexy Zion!" muntik ko ng maibuga yung tubig na ininom ko dahil sa sinabi niya. Maya maya pa ay unti unti siyang lumapit sa akin habang nakangiti pa din. Hindi ako makagalaw para akong naistatwa sa kinatatayuan ko.

"You make me more crazy." unti unting nakaramdam ako ng pag init ng mga pisngi ko ramdam ko ang pag akyat ng mga dugo sa magkabilang side. Mas lalo pa akong nanlambot dahil sa kilig nang bigla niya akong halikan sa pisnge at muling bumalik sa niluluto niya.

Argghhh bakit ka ganyan Zach?

Lumupas ang ilang minuto bago ako nakarecover sa ginawa niya. Umalis na ako sa tabi niya at baka iba pa ang magawa niya. Masyado siyang delikado para sa puso ko.

Dumiretso nalang ako sa living room niya. Ang aayos lahat, mula sa bookshelves sa TV sa sofa at maging ang carpet ay sobrang linis at ang mga gamit ay well organised. Meron pa kayang nakakalusot na kahit isang alikabok dito?

Nilibot libot ko ang tingin may hinahanap ako ih. Maya maya pa ay nakita ko din siya.

Tumayo ako at lumapit dun. Kinuha ko yun at hindi maiwasang mamuong tanong sa isip ko. Nilibot ko ulit ang aking tingin baka meron pa akong makita pero wala.

Why don't you ask Zach instead? Hindi yung nagpapakabaliw ka jan sa kakahanap

Right my mind I will ask him instead.

"Zach?" tawag ko habang dala dala sa kaniya yung picture frame na nakuha ko sa sala.

"Yes Hon?" bigla akong natigilan sa sinabi niya. Unti unti nanamang umakyat ang dugo patungo sa pisngi ko.

Damn it. Its just a word but it makes me explode.

"Ahh.... Kasi.... Hehe..." hindi ko na tuloy maalala yung itatanong ko sayo. Bwiset ka bakit ganyan ka?

"Haha. Ano ba kasi yun? Tinawag ka lang Hon parang sasabog ka na dyan" Oo Zach bwiset ka malapit na pag di mo tinigilan yang ngiti mo talagang sasabog na ako dito.

Moonlight In Ciudad (BL Story) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon