Chapter 33: Old Friendship

34 5 0
                                    

Chapter 33 : Old Friendship

Team Building II

Elijah's POV

Hindi ko alam pero sobrang bigat ng pakiramdam ko. Parang lahat ng galit at takot ko noong siyam na taong gulang palang ako ay kaagad na bumalik.

Bakit siya pa?

Kaya ba nung una ko palang siyang makita sa pagpasok ko sa CIS iba na ang pakiramdam ko sakanya?

Bakit ba ganito sobrang mapaglaro ng mundong ito.

Ang bangungot ng walong taon na ang nakraraan na pilit kong ibinabaon sa limut ay muling bumalik. Sobrang bigat sa dibdib. Wala akong ibang gustong gawin ngayon kundi ang mapag isa at pilit kalimutan ang mga sinabi niya.

Sana andito ka Miya. Ikaw lang ang tanging makakapagpatahan saakin.

Maya maya pa nakarinig ako ng pagbukas ng pinto. Nakatalikod ako dito habang nakahiga at nakatalukbong ng unan kaya hindi ko alam kung sino man yung pumasok.

"P-please lang.......... A-ayaw muna k-kitang makausap......." halos hindi maintindihan na saad ko dahil sa patuloy na paghikbi ko.

"S-sorry Eli.... Pinapunta kasi ako dito ni Kenneth..... K-kailangan mo daw kasi ng makakausap." nauutal na sambit ng lalaki.

Kahit hindi ko siya nakikita. Sa tono at paraan ng pagsasalita niya alam ko kung sino yun.

"P-pero kung gusto mo talagang mapag isa. D-dito nalang muna ako sa labas."

Narinig kong bumukas ulit yung pinto at mukhang lalabas na ulit siya.

"Mccoy h'wag na. Dito ka nalang. Malamok na dyan sa labas." pigil ko sakanya nang akmang lalabas na siya.

Wala akong sagot na narinig. Muling sumarado ang pinto at rinig ko ang hakbang niya papalapit sa kabilang bahagi ng higaan.

"Hey, A-ayos ka lang? A-anong problema?" bungad na tanong niya nang makaupo na siya sa tapat ko.

Hindi ako sumagot at tanging iling lang ang nagawa ko.

"Di'ba sayo na mismo nanggaling. 'dapat sa buhay mo merong kahit isang tao lang ang napaglalabasan mo ng hinanakit at problema mo. Yung taong lubos na pinagkakatiwalaan mo, kung hindi mas lalo kang mahihirapan kung sasarilihin mo lang'." mahinahong saad niya.

Mariing napabuntong hininga ako.

Siguro nga tama siya. Kailangan ko lang ilet go lahat ng nasa isip ko ngayon.

Pinunasan ko yung luha ko at inalalayan ang sarili na makaupo.

Humugot muna ako ng malalim na hangin bago magsimulang magpaliwanag.

"Mccoy, kung ang isang tao ba ay nakagawa sayo ng kasalanan sa loob ng mahabang panahon. Mapapatawad mo pa ba? At kaya mo bang patawarin?" pagsisimula ko.

"Magagawa mo bang patawarin yung taong nagdulot sayo ng takot at bangungot sa nakaraang kahit kailan ay dadalhin mo saan ka man mapadpad." hindi ko maiwasang maalala yung alaalang iyon. Isang bangungot.

"Alam mo Eli, hindi ko masasabi sayo kung kailan mo mapapatawad yung taong nagkasala sa nakaraan mo. Wala ako sa katayuan mo para magbigay ng desisyon......" mahinahong sambit niya.

Tumayo ito at sumandal sa tabi ko.

"Pero bilang isang kaibigan mo at bilang isang tao. Kailangan natin ang magpatawad. Hindi para kalimutan ang bangungot ng nakaraan pero para sa ikakatahimik ng sarili natin mula sa madilim na alaala. Sabi saakin ng Mommy ko, hangga't may galit sa puso mo kahit kailan hindi ka magiging masaya sa buhay mo." lintana niya.

Moonlight In Ciudad (BL Story) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon