Stacey's POVMatapos nun ay pumunta kami sa Theater room at naghanap ng ilan pang mga ebidensya. Hindi ko muna sakanila pinakita yung tungkol sa voice recording.
Andito kami ngayon sa stage kung saan kita pa din ang mga bagay na nasunog.
Naalala ko yung about sa Stage Play. Bukas na sana namin ito ipeperform lahat sana ng hardwork ni Zion ay mababayaran but because of some shameless people like Tiffany lahat ng yun nasayang lang.
Andito ako sa taas ng stage para makahanap ng ilang mga ebidensiya ang iba naman ay nasa audience seat at sa backstage naghahanap.
Maya maya paghakbang ng paa ko ay parang may kung anong bagay ang tumusok sa sapatos ko. Inalis ko ang paa ko at kinuha ang bagay na iyon.
Its a pin.
Meron ang Uniform namin na ikinakabit na pin palatandaan ito na nagaaral ka sa University na ito.
May dalawang uri ng Pin. Meron dito na logo ng school pero ang kulay ng background ay violet at iyon ay para sa mga babaeng studyante at kulay naman ng background para sa mga lalaki ay green.
Pero itong hawak ko ay hindi sa babae.
Green ang kulay ng pin na ito.
Kung si Tiffany ang culprit dapat ito ay violet. Baka hindi lang siya ang gumawa nung gabi na yun.
"Guys!" tawag ko sa kanilang lahat.
Agad naman silang nagsilapitan kung nasaan ako. Ipinakita ko ang hawak ko at kinuha agad ito ni Zach.
"Pin ng mga male Student to diba?" sabi niya habang sinusuri yung pin
"Yeah. "
"So it means Tiffany is not alone that night, she has a colleague." sabi ni Kai.
"You're right Kai!"
"We will know that tomorrow kung sino man ang walang pin. Required ang pagsuot nun para makapasok sa gate ng university. Kaya sigurado akong hindi makakalusot kung sino man ang may gawa nito. " sabi ni zach.
"But for now we have to create a concrete plan to got the culprit. Maya maya lang magsasara na ang buong building" suwestyon ko.
Agad naman kaming nagsiuwian na at hinatid ako Phillip saamin.
Third Person POV
Nakasilip lang sa bintana habang nakikinig ng music sa cellphone si Zion.
Sobrang daming sakit ang pinagdaanan niya ngayong araw. Wala na siyang mailuha dahil sa naubos na ito buong araw. Napagod na din siya.
Matapos nilang pumunta sa school ng kanyang Ina ay diretso sila sa dorm niya at kinuha ang lahat ng gamit niya.
Para sakanya wala na rin namang saysay kung susubukan niya pang manatili doon. Mas maaalala niya pa lang ang lahat.
Andito siya ngayon sa bahay nila. Buong maghapon ay nagkulong lang siya sa kwarto at walang gana sa lahat ng bagay.
Unti unti niyang ipinikit ang mga mata niya. Umaasa na sana bukas ay maayos na ang lahat.
Nagsiuwian na ang lahat pero si Zach ay nanatili pa din sa loob ng building walang paki kung masaraduhan siya ng gate.
Nagtungo siya sa kinaroroonan ng mga locker room at hinanap niya ang locker ni Tiffany.
Nasa dulo ito ng lobby kung saan sila na stock ni Zion noon.
BINABASA MO ANG
Moonlight In Ciudad (BL Story) (Completed)
RomantizmRed String Series 1 When they are reborn again, both of them will feel like they have known each other for so long. It's like they have been waiting for their whole life to meet each again. A highschooler named Elijah was meant to meet Kenneth on a...