Chapter 41: Why?

38 5 0
                                    

Chapter 41: Why?

Elijah's POV


Tulala habang pinagmamasdan yung mga tuyong dahon na unti unting nahuhulog mula sa mga sanga ng puno ng mansanas.

Andito ako ngayon sa malawak na garden ng CIS. Oras pa ng klase ngayon pero tinamad akong pumasok dahil nakakabagot.

Wala naman na akong iniisip at wala nang kung anong gumugulo sa isip ko dahil matapos mangyari ang gabing iyon ay nalinawan na ako sa lahat ng mga bagay na malabo pa saakin.

Isang linggo na ang nakakalipas nang mangyari yung gabing iyon. Hindi pa muna namin sinasabi sa mga kaibigan namin kung anong meron saamin. Mas gusto muna namin na itago sakanila para lang mas private kami. Hindi pa kasi kami handa sa mga masasabi nila kung sakali.

"Rule number 2, don't skip or cut on some of your class. Penalty, suspension of one week and 48 hours community service."

Agad akong napabalik sa reyalidad nang may biglang magsalita sa likod ko.

Nilingon ko siya. Nakatayo lang ito suot ang malaking salamin at ang seryosong mukha. Punong puno ng awtoridad. Ano pa nga ba ang ieexpect ko sa taong ito. Siya lang naman ang nagpatupad ng batas na iyon at sinisigurado na lahat ay sumusunod.

Sa di malamang dahilan napangisi ako. Naglakad siya papunta saakin kaya naman ay ibinalik ko ulit ang tingin ko sa harap ko.

"Wala na bang mas bibigat sa mga punishment ninyo? Naranasan ko na kasi yan eh wala na abng iba?" biro ko nang makalapit na siya sa tabi ko.

"Sa pagkakaalam ko, meron pa."

Lumingon ako at tinitigan siyang makaupo sa tabi ko.

"Ano?"tanong ko.

"You have to be mine." seryosong sambit niya.

Wait...... What?

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Seryoso ang tingin niya kaya alam kong seryoso siya sa sinabi niya. Ayus lang ba siya?


"W-what?" utal na muling tanong ko.

Mahinang napangisi siya. Anong problema niya?

Muli siyang tumitig saakin, nakangiti.

"I was joking............" sambit niya habang mahinang tumatawa. "Alam ko naman na property ka na ni Ken."

At muli naman akong nakahinga ng maluwag. Akala ko totoo yung sinasabi niya. Ayokong maging dahilan ng malalang pag aaway nila no.

"Akala ko naman seryoso ka."

"I was too good on acting right? Haha." sambit niya.

Tumango nalang ako bilang tugon.

"So.... Why are you here? Bakit hindi ka pumasok? Magkaaway ba kayo ni Ken?" tanong niya habang inaalis yung suot niyang salamin at inilagay sa bulsa ng coat niya.

"Hindi naman kami nag away. Andito ka ba para dalhin ako sa Director's office dahil sa paglabag ko sa rule number 2 mo?" mahinahong sambit ko.

Marahan siyang napangisi.

"If it's not you maybe kiladkad ko na siya papunta dun....." sambit niya sabay humingang malalim. "I just came just to talk to you. Akala ko kasi there's a problem na kailangan mo ng malalabasan."

Tinitigan ko lang siya.

I wonder why this guy didn't have a relationship. Kung tutuusin nasakanya na ang lahat. Matalino, mayaman, responsable, at masasabi kong parehas sila ni Ken pagdating sa antas ng kaguwapuhan.

Moonlight In Ciudad (BL Story) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon