Chapter 3

116 9 0
                                    


Zion's POV

Nakita ko siya dun nakaupo sa may gilid ng table. Naka dekwatro pa. Alam kong nakita niya din ako kaya agad agad akong umalis sa harap ng booth nila pero nakakailang hakbang palang ako.


"Zion Morano!" napahinto ako sa pag hakbang ng magsalita siya.

Nanatili lang akong nakatalikod sakanya. "That's your name right?" walang kahit na anong bahid ng emosyon ang boses niya habang lumalabas sa kanyang bibig ang mga salitang yun. Unti unti ako pumihit at hinarap siya.


"Ako nga. That's my full name. The hell you care?" sarcastic kong sagot sakanya.

Sinadya ko ding wag magpakita ng kahit na anong emosyon sakanya para hindi niya makita na may takot sakanya.


"Talagang  maangas ka ha!" Nagngingitngit siya sa galit at akmang susugudin ako buti nalang at napiligan siya ni Phillip.


Ilang minuto ang lumipas at siguro medyo lumamig lamig na ang init ng ulo niya. Binitawan naman na siya ni Phillip dahil naramdaman niya na din siguro na hindi na susugod si Zach.

"At saan ka naman pupunta? Hindi ba dapat ay nasa loob ka na ng booth na ito at tinutulungan ang ibang member  sa Media Arts Club?" tinuro at nilingon niya pa yung booth na nasa gilid niya lang.


"At sino din naman ang nagsabi sayo na Club mo ang pinipiliin kong salihan?" sarcastic kong sagot habang unti unting lumalapit sakanya.

"Kung ganun. Bakit nakikita ko ang bullshit na pangalan mo sa listahan ng registration form ng club ko?" sabay itinaas niya yung papel na sinasabi niyang registration form.

At dahil sa sobrang lapit ko sakanya mabilis at malinaw kong nabasa ang pangalan ko na nakalista ng blue ballpen at naka capslock pa.


Agad kong naalala na bago nga pala kami pumasok dito ay may sinabi si Phillip na bago niya ako sunduin ay dumaan siya sa club nato at inilista yung pangalan ko.


Agad kong tinignan si Phillip ng masama at sinuklian naman ako ng napaka peke niyang ngiti at nag peace sign pa. "Damn you Phillip!" bulong ko.

Wala akong ibang choice kundi ang pumasok at tumulong mamigay ng pliers tungkol sa club na ito.

Saktong alas dose ng tanghali ay nag cut off na ang lahat ng clubs at inanunsyo sa speaker na magtungo na ang lahat ng clubs sa mga respective rooms nila at simulan na ang unang meeting.

Binigyan kami ni Zach ng dalawang oras para makapagpahinga at kumain and by exact 3pm walang malelate kailangan ay nasa MAC room na kaming lahat.



Lumabas muna kami ni muna kami ng university ni Phillip para maghanap ng makakain. Purgang purga na daw siya sa mga pagkain sa Cafeteria.


Nagtungo kami sa pinakamalapit na mall dito sa university at doon ay nag take out nalang kami dalawang order ng spicy 2pcs chicken and 2 jumbo fries at bumili din kami ng 2 orders of milk tea.

Pagkatapos ay agad kaming nagtungo pabalik sa university. Sa dalawang taon namin magkasama nito ni Phillip isa sa bonding moments namin ay ang pagkain ng kung ano ano pero kahit kailan hindi kami tumaba.



Andito kami sa paborito naming tambayan sa gilid ng field at dito namin nilantakan lahat ng pagkain naming dala.

"Nga pala Zion yung nangyari kagabi anong meron? Bat takot na takot ka?" may laman pa yung bibig niya habang nagsasalita.

Naalala ko nanaman kung gaano ako takot sa nangyari kagabi.

"Wala, sobrang dami ko kasing iniisip kaya siguro muntik na akong mabangungot." Hanggang ngayon hindi ko pa din makalimutan kung anong klaseng panaginip yun.

Moonlight In Ciudad (BL Story) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon