Chapter 13

86 7 0
                                    



Zion's POV

"Ohooiiiii. Ang sakit naman sa ulo nito!!" sigaw ni Phillip habang nakahawak pa siya sa sintido niya.

Agad kong tinapik yung kamay niya.

Halos lahat ng tao na nasa loob ng kwarto na ito nakatingin saamin. Nasa library kami ngayon puspusan na kasi ang lahat ng academic requirements sa week na ito.

Research, Quizes, Activities at ang Exam ng department namin ay ngayong week na din. Kaya halos mapuno na ang library ng mga estudyanteng busy sa mga ginagawa nila.

"Wag ka namang sumigaw hindi lang tayo ang tao dito." sabi ko tapos nagpatuloy na sa pagsusulat.


"Bakit kasi kailangan nating pag aralan to? Duhh Film Major tayo pero bakit may ganitong klaseng math? Kailangan ba to sa pag gawa ng mga film? Pasakit lang sa ulo to eh" pagrereklamo pa niya.


"My friend, wala kang choice kaya naman intindihin mo nalang yan kesa ngumawa ngawa ka dyan wala ka naman mapapala" binigyan ko lang siya ng mapang asar na ngiti.


"Palibhasa kasi nerd ka. Tignan mo nga yang salamin mo anlaki laki sakop na buong mukha mo!" kung ano ano nanaman napapansin netong mokong na to.


Nakasuot kasi ako ng eyeglasses ngayon medyo sumakit kasi yung mata ko nitong mga nakaraang araw kaya kailangan ko munang magsuot ng mga anti radiation na salamin.


Hindi ko nalang siya pinansin. Pag ganyan yan si Phillip pagpasensyahan nalang talaga siya.

"I heard nahihirapan ka sa Math? I can help" biglang may nagsalitang babae sa likod ko.


Nagtinginan muna kami ni Phillip sabay dahan dahang tumingin sa kinatatayuan ng babae.


Ilang minuto kaming tahimik lang at nakatitig lang sa babae.

Para siyang isang anghel. Nasisinagan ng liwanag mula sa likuran niya ang kaniyang imahe. Mula sa kaniyang makinis at maputing balat. Sa kaniyang bagsak na bagsak na buhok at isama mo pa ang mahinahon niyang boses. Masasabing perfect package para sa isang Angel.


"Ahh..... Hehe.... By the way I'm Hazel, from College of Engineering. I can help you na makapagreview" at bigla siyang ngumiti na talagang nagpatunaw sa katawan namin.

Lalong lalo na si Phillip, para kaunti nalang mahuhulog na ang panga.

Maya maya pa naglakad siya patungo kay Phillip at umupo sa katabing upuan niya.

Nagsimula na silang magreview samantalang ako patuloy sa pagsusulat ng ilang mga notes.


"Sa palagay ko mas lalong hindi maiintindihan ni Phillip yang itinuturo mo" sabi ko at sabay kaming napatingin ni Hazel kay Phillip.

Halos hindi naman kasi tinitignan ni Phillip yung itinuturo sakaniya kundi yung nagtuturo sakaniya. Pinagaaralan niya ata kung anong skin care ginagamit ni Hazel.

"Ahhh... Hehehe... Hoii Zion wag kang ano dyan. Magreview ka ng sarili mo basta ako hehe.... Magpapaturo muna kay Hazel" napabuntong hininga nalang ako sabay iling iling ng ulo.

Alam ko na kasi karakas netong si Phillip mga galawan lang niya sa mga babae.


Lumipas na ang ilang oras at andito pa din kami sa library at patuloy pa din sa pagtapos ng mga kailangang tapusin. Nag cancel ang dalawang klase ko for the morning may emergency meeting daw yung mga prof namin.


Moonlight In Ciudad (BL Story) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon