Chapter 38: Family Tree
Kenneth's POV
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Hindi ko alam ang dapat na gawin. Buong buhay ko ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdam.
Napakahigpit ng yakap ko sa taong ito na akala mo ay sobrang tagal kong hindi nakita at labis labis ang pagmamahal ko sakanya.
I knew it from the first place. I know the first time I saw him, alam ko na siya yung taong nasa panaginip ko.
The first time we met on that day. When he's infront of the class introducing himself. Biglang kumirot ang dibdib ko. Pakiramdam ko siya na yung taong matagal ko ng hinahanap. Until I saw his teary eyes looking at me. Nagkaroon ako ng kutob na siya na yun.
I want to protect him at all cost because I remember I promised to do that. Kaya nung naganap yung kaguluhan nearby the school. Hindi ako nagdalawang isip na iharang ang sarili at saluhin yung bala.
Because I would rather endure the pain of that bullet even though thats my life in exchange than to endure the pain of losing him again.
When I heard him saying those names when I was in the hospital. I confirmed my theory. Pero kitang kita ko sa mga mata niya na naguguluhan pa din siya at hindi pa din lubusang naaalala kung sino ba siya.
Parehas kaming ginugulo ng mga taong iyon sa panaginip namin para ipaalala yung mga pangako namin nung nakaraan na hindi na natupad.
Hindi ko alam kung gaano katagal ang pagkakayakap ko pero ito lang ang tanging paraan para maibsan ang pangungulila ko sakanya ng mahabang panahon.
"I missed you so much. My bunny" bulong ko sa tenga niya.
Siya ang unang kumalas sa pagkakayakap namin. Tinitigan ko ang mukha niya. He seems so exhausted. Kita ko sa mga mata niya na pagod na siya. Pagod na siyang umiyak at alalahanin ang nakaraan.
"You'd lie to me....." sambit niya habang nakakuyom ang mga kamay.
"You promised..... Y-you promise to stay by my side forever. But you lied. "
Sa puntong ito hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Para akong napipi sa mga salitang binitawan niya.
I know I was to idiot to do that stupid decision but my mind blocked out that time. The only solution for me is to jump.
"H-hindi mo alam kung gaano kasakit yung ginawa mo....." sigaw niya habang muling lumuluha at marahang sinusuntok yung balikat ko.
"H-hindi mo alam kung gaano kasakit ang pagmasdan ka na sumalampak sa lupa at makita kang................wala ng buhay." at humagulgol na siya.
I was too idiot to do that. I promise not to hurt him anymore and protect him from the other who has intention to him. But I cause the pain that he carried forever.
"H-hindi mo alam yung sakit dahil nagsinungaling ka. Dahil iniwan mo din ako gaya ng pagtalikod ni Papa saakin......"
And it gives me a bang in my heart. Hindi ko alam ang gagawin ko. Paano ko aalisin lahat ng sakit na idinulot ko.
"S-sabi mo sakin.....kung hindi naman ako yung mamahalin mo mas gugustuhin mo nalang mamatay.......... I did it. I did what you said.............dahil balewala na saakin ang mundo nung nawala ka....."
Iniabot ko yung kamay niya. "S-sorry....."
Halos walang lumabas na boses nang banggitin ko yung mga salitang iyon.
Mabilis naman niyang binawi yung kamay niya. "Mangangako ka ba ulit? Tapos maiiwan nanaman ba akong mag isa at dadamhin lahat ng sakit na mula sayo?"
BINABASA MO ANG
Moonlight In Ciudad (BL Story) (Completed)
RomanceRed String Series 1 When they are reborn again, both of them will feel like they have known each other for so long. It's like they have been waiting for their whole life to meet each again. A highschooler named Elijah was meant to meet Kenneth on a...