Zion's POV
Tatlong katok ang ibinungad ko nang makarating ako sa tapat ng pinto niya. Andito ako ngayon sa condo ni Zach.
Hindi nagtagal dumating din kanina sa dorm si Stacey kaya naman naiwan ko sakanya si Phillip. Napagpasiyahan naming huwag munang pumasok para madamayan muna ang magkapatid.
Ito lang ang tanging paraan na maitutulong namin sakanila. Ang iparamdam na, andito lang kami sa tabi nila.
Maya maya pa ay nagbukas na ito. Iniluwa nito ang isang lalaki na mga nasa 50-55 ang edad nakasalamin ito at nakabrush up ang buhok. Nakasuot din ito ng itim na coat. Ngayon ko lang siya nakita pero bakit mukhang familiar siya saakin?
"Anong kailangan mo?" madiin niyang tanong.
"S-si Zach po ba......andyan?" medyo nauutal kong tanong.
Parang may kung anong kalabog ng dibdib ko ang idinudulot ng taong kaharap ko.
"Ikaw si Zion hindi ba?" may diin pa din sa bawat salita niya na para bang meron akong malaking kasalanan sakanya.
"O-opo...........A-ako nga po"
Sa di kalayuan bigla kong natanaw ang balisang itsura ni Zach hindi ito nakatingin saamin. Tulala lang siya at alam kong dahil yun sa masamang balita.
Akmang tatawagin ko na siya nang bigla akong hinawakan sa braso ng lalaking kaharap ko at mariing hinila sa kung saan man.
Gusto kong magpumiglas pero hindi ko man lang magalaw ang braso ko na naaapektuhan dahil sa higpit ng pagkakahawak.
Ilang minuto pa ang lumipas. Muntikan akong mawalan ng balanse nang bigla niya akong itulak. Sa kung paano niya ako hawakan at itulak mukhang napakalaki ng atraso ko sakanya.
Hindi ko namalayan na andito kami ngayon sa lobby ng condo. Medyo may mga taong dumadaan at ang iba naman ay nakaupo at nagkukwentuhan. Naguguluhang tinignan ko ang lalaking humila saakin.
"Alam ko na kung anong meron sainyo ni Zach!" sabi niya nang nakapamewang.
"A-alam niyo na p-po?" nauutal kong sagot.
"Ngayon palang binabalaan na kita....." kitang kita ko sa mga mata niya ang matinding galit at pagtitimpi. "Layuan mo ang anak ko. Layuan mo si Zach!"
Bigla akong nakaramdam ng sobrang kaba. Ramdam ko sa mga bawat slita niya ang awtoridad at pagbbanta.
"P-pero......"
"Ipapadala ko na siya sa America. Alam kong doon malalayo siya sa gulo at isa pa may ipapakilala na ako sakanyang babae."
BINABASA MO ANG
Moonlight In Ciudad (BL Story) (Completed)
RomanceRed String Series 1 When they are reborn again, both of them will feel like they have known each other for so long. It's like they have been waiting for their whole life to meet each again. A highschooler named Elijah was meant to meet Kenneth on a...