Chapter 36: Pain

48 6 0
                                    

Chapter 36: Pain

Elijah's POV

Napakabilis ng limang araw para saamin. Parang isang pitik lang sa hangin ang mga araw na iyon.

Nasa bus na kami at pauwi na kami. Handa nang magpaalam sa magagandang alala na nabuo sa lugar na ito.

Matapos bumili ng mga kasama ko ng mga souvenir ay agad din naman nang umalis yung bus namin.

Habang nasa byahe, walang kahit na sino ang gumagawa ng ingay. Halos lahat ay tulog at pagod mula sa pag eenjoy ng halos buong isang linggo.

Sinulyapan ko yung katabi ko na tulog na tulog habang nakasandal ang ulo niya sa salamin ng bintana. Napakapayapa ng mukha niya.

Sana pagbalik namin sa Ciudad maayos na lahatng hindi pagkakaintindihan. Lalo na ang matagal ng alitan nina Ash at ni Kenneth. Sana maintindihan ng bawat isa na walang ibang magtutulungan at magdadamayan kundi silang dalawa nalang dahil sa sila nalang ang natitira magkaibigan.

Maya maya pa nakaramdam na rin ako ng antok. Unti unting ipinikit ko ang aking mga mata at hindi pa nagtagal nilamon na ng dilim ang aking paningin. Mahimbing na nakatulog habang napatong ang ulo sa balikat ni Kenneth.


Naalimpungatan ako nang maramdamang nakahinto na ang aming bus. Marahang iminulat ko ang aking mata. At inilibot ang tingin.

Nasa CIS na kami. Unti unti na ring nagsisibabaan yung mga kasama namin dala yung mga bagahe at gamit nila.

Napasulyap naman ako sa katabi ko. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatulog sa ganung posisyon pero base sa pagkamanhid ng magkabilang pisngi ng puwet ko, masasabi kong matagal tagal din ang byahe namin.

Marahang itinaaas ko ang aking ulo. Gising na siya, mulat na ang dalawang mata niya na nakatitig lang saakin habang nakangiti.

"Gising ka na. Mukhang pagod na pagod ka. Ang haba ng tulog mo..." mahinang sambit niya.

Agad akong nakaramdam ng hiya dahil sa tagal kong pagsandal sakanya. Napaupo ako ng diretso, halos hindi ako makatingin sakanya.

"S-sorry......." sabi ko sabay kamot sa batok.

Mahinang napangisi siya. "Ok lang, hindi ka naman ganoon kabigat."

Nahihiyang ngumiti nalang ako sakanya.

Matapos ang final attendance ng grupo namin ay pinayagan na kaming makauwi. Kasama ko ngayon si Jade na tulog na tulog sa passenger seat habang yakap yakap yung bag niya. Rinig na rinig ko ang lakas ng hilik niya. Ganun ba talaga siya kapagod? Eh kung matatandaan ko hindi naman siya masyadong naglaro sa mga activity.

Speaking of Activity, ang nanalo sa team building ay ang grupo nila Ash, nakakuha sila ng 865 points. 900 sana yung puntos nila kaso dahil sa nakuha ng ibang grupo yung panyo ni Ash na mayroong 35 point dahil sa leader siya. Ay nabawasan yung points nila.

Pangalawa namin ang grupo namin, akala nga namin magiging tie kami sa grupo nila Zeiden dahil parehas ang grupo nakakuha ng point nas 795 pero buti nalang at naihabol ni Kenneth yung panyo na pagmamay ari ni Ash kaya nadagdagan yung puntos namin.

Nang makauwi na kami ay kaagad akong tumalon sa higaan ko. I stare at the ceiling, reminiscing all that happens in just five days.

I'm not mad at Kenneth anymore even Ash. Sobrang lumuwag ang loob ko nang maibigay ang pagpapatawad na matagal na pala niyang hinihingi. All I want now is to see the old Kenneth and Ash, always together, theres no one can seperate them.

I want to see them as a childhood bestfriend again even though they're not complete. I know that is also Christian's wants. Seeing his living bestfriend to be together again not hating each other and treating each other like they are not exist.

Moonlight In Ciudad (BL Story) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon