Chapter 8

74 6 0
                                        


Zion's POV

Tulalang nakatingin ako sa ceiling ng kwarto ko. Nakakawalang ganang gumalaw. Wala na akong paki sa lahat ng nangyayari. Ayoko nang gumalaw. Ayoko ng pumasok. Parang gusto ko nalang huminto ang oras dito.

Nilingon ko ang higaan ni Phillip. Wala na siya doon pumasok na siya may class daw kasi siya ng 7 am. Wala pa siyang alam sa kung ano ang nangyari kagabi.

I open my phone dahil sa tuloy tuloy nitong pagtunog dahil sa mga notification. Pag open ko nakita ko kaagad ang post.


Zion Morano from the Media Arts Club. Walang awang sinira at sinunog ang mga gamit ng mga ka club member niya para sa Stage Play nila bukas.


Tinignan ko kung sino ang nagpost at hindi na ako nagulat kung sino yun.

Its Tiffany.

Halata naman sa una palang ay galit na galit na siya saakin. Ano bang ginawa ko sakanya.

Binasa ko ang iba't ibang comments at hindi ko mapigilang mapaluha.

Follower pa naman ako niyan dahil sa mga story niya tapos ganyan pala siya kasama.

Nagpipiling Director eh kahit kelan naman hindi niya kayang pantayan si Zach.

I feel pity for all the members of MAC nasira ang magandang reputasyon na iningatan ng maraming taon dahil lang sa unknown cheap writer. Shame on you loser.

Ilan lang yan sa mga comments na nakita ko. Is it too much ba if pakinggan nila ang side ko? Mahirap ba sakanila na alamin kung ano talaga ang nangyari?

*phone rings

Pag tingin ko sa pangalan si Mama

"Hello?" sagot ko

"Anak ano nanamang nangyari?" mahinahong sagot niya sa kabilang linya.

Walang ano ano ay bigla nalang akong napahagulgol sa iyak.

"M-ma............. believe me, its not me." hikbi kong sagot. Sana naman kahit siya lang ang maniwala sakin.

"I know anak, I know the truth........... Shhh tahan na. Kita nalang tayo sa school mo ha" huling sabi niya bago niya ibaba.


Tumayo na ako sa higaan at nagsimula ng kumilos. Wala man akong gana sa lahat ng bagay ngayon pero kailangan kong harapin ito kahit na walang maniwala sa kahit anong sasabihin ko.





Andito na ako sa labas ng university tinignan ko mula sa labas ang arkong pangalan ng school na ito.

Deserve ko bang mag aral dito? O deserve ko ba ang mga nangyayari saakin ngayon?

Sumakay na ako ng shuttle bus papunta sa College Department ko. Pagpasok ko sa bus kitang kita ko ang mga matang nakatingin saakin at husgahan ako sa mga kani kanilang mga sariling opinyon.

Hanggang sa makarating ako sa tapat ng Department ko lahat ng mga mata saakin lahat nakatingin. Tinitignan mula ulo hanggang paa. Isinusumpa sa kanilang mga isipan. Lumalayo na para bang isa akong may nakakahawang sakit. Yan ba ang realidad na dapat saakin?

Nakita ko sa di kalayuan si Phillip at Stacey.

Akala ko iba sila pero isa din sila sa ilang mga estudyante dito na kung tignan ako ay para akong kriminal na pumatay ng isang tao.

Moonlight In Ciudad (BL Story) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon