Zion's POV
Habang dinadama ang halik ng pagmamahal ay unti unting bumabalik lahat ng mga alaala namin simula nung umpisa.
Simula nung panahong hindi magandang bungad ang pagpapakilala sa isa't isa at ang mga problemang sabay sabay naming nasolusyonan.
At yung mga oras na nalaman naming iisa lang ang aming nararamdaman hanggang sa patuloy naming pinaglalaban ang isa't isa at sa dumating na ang araw na ito.
Hindi ko mapigilang maluha. Hindi ko alam kung ilang beses ako naging mahina sa istorya naming dalawa pero hanggat andito ang lalaking ito magiging matatag ako dahil siya lang ang tanging lakas ko.
Hindi ko alam kung ilang minutong nagtagal ang halik na yun. Namalayan ko nalang na parehas kaming nakapikit habang nakangiti at nakasandal sa ang mga ulo sa noo ng bawat isa.
"Hayop ka Zach!"
Bigla akong natigilan sa bilis ng nangyari. Biglang hinila nang nagsalita si Zach at agad na dumapo sa kanyang mukha ang kamao nito. Hindi nakailag si Zach kaya naman ay natumba ito nang matanggap ang suntok na yun.
"Wala ka talagang kahihiyan! Talagang nakuha mo pang makipaghalikan sa kapwa mo lalaki at sa harapan ko pa?" nanggagalaiting sabi ng lalaki habang hawak hawak pa nito sa kwelyo si Zach na nanatili lang nakasalampak sa lupa.
Hindi pa man nakakabawi si Zach sa suntok ay nakatanggap naman ito ng malakas na sampal." Isa kang walang kwenta! "
Hindi ako nagdalawang isip at dali daling lumapit sakanila para awatin siya.
"Sir...... Tama na po yan. Wala naman po kaming ginag...." hindi ko natapos ang sasabihin ko nang makatanggap din ako ng isang malakas na suntok. Dahil sa gulat ay napalampak ako sa lupa at panandaliang hindi maramdaman ang aking panga.
"Walang ginagawang masama?" lumapit itong muli kay Zach at hinawakan ulit sa kwelyo at pinipilit hilahin para makatayo.
"Alam mo bang dahil dito sa kahihiyang dinala mo sa pangalan natin ay unti unti nang nadudungisan ang pangalang ilang taon kong pinagpaguran!" kitang kita ko sa lalaking ito ang sobrang galit.
Galit na nakita ko nun kay Papa. Galit na halos hindi na niya makilala at maalala na anak niya ang kausap niya.
"Dahil sayo unti unting mawawala ang lahat! Dahil yun sa kababuyang dinala mo sa pamilyang ito!"
![](https://img.wattpad.com/cover/219453327-288-k107421.jpg)
BINABASA MO ANG
Moonlight In Ciudad (BL Story) (Completed)
RomanceRed String Series 1 When they are reborn again, both of them will feel like they have known each other for so long. It's like they have been waiting for their whole life to meet each again. A highschooler named Elijah was meant to meet Kenneth on a...