Zion's POV
Isang linggo na ang lumipas matapos ang magpaalam ni Hazel. Nabalitaan ko na kinagabihan din nun ay ang alis niya papuntang New York. I felt sad dahil sa ikli ng panahong ibinigay saamin para magsama. Hindi man ganun kaganda ang umpisa pero naayos din naman sa huli.
Hindi ko maiwasang isipin na kung nasabi niya ba kay Zach bago siya umalis? Nagkausap ba sila?
Isang linggo na rin na hindi man lang nagpaparamdam si Zach. Hindi ko maiwasang magaalala kung ano ang nangyari sakanya. Sinubukan kong tawagan at itext pero wala akong natatanggap na sagot. Pumunta na din ako sa condo niya pero walang nagbubukas ng pinto. Hindi rin alam nila Kai kung nasaan at kung anong nangyari sakanya. Maski si Phillip ay hindi rin nakakakuha ng balita.
Zach asan ka na ba? Masyado mo na akong pinag aalala.
Wala sa sariling binalingan ko ang mga numero na nakasulat sa board at walang ganang binalingan ng tingin ang prof kong nagdidiscuss ng calculus.
Hindi ko na talaga kaya to. Sasabog na utak ko sa mga posibleng nangyari sakanya.
Wala sa sariling napatayo ako at lahat ng atensyon ng nasa loob ng kwartong ito ay ipinukaw saakin. Walang ganang tumingin ako sa prof na nakakunot ang noo dahil naputol ang pagsasalita niya.
"Miss may I go out? I think I'm not feeling well" hindi pa siya sumasagot pero agad kong kinuha ang mga gamit ko at dire diretso na lumabas.
Hahanapin kita. Hindi ko alam kung saan magsisimula pero hahanapin kita.
Damn you Zach! Ang hilig mong gawing komplikado lahat ng bagay.
Hindi ko na namalayan na dinala ako ng mga paa ko sa rooftop ng building. Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ay agad na bumungad saakin ang malakas at malamig na hangin. Tanghali palang ngayon pero sobrang dilim ng langit. Mukhang nagbabadya ang isang malakas na ulan.
Kailangan ko lang siguro muna ng sariwang hangin. Kailangan ko munang huminga para mawala lahat ng iniisip ko.
Maya maya pa ay humampas sa mukha ko ang malakas at malamig na hangin. Ipinikit ko ang mata ko at nilanghap ang sariwang hangin.
Magpapakita din siya Zion, hintayin mo lang.
"Hindi pa din ba siya nagpapakita?" hindi na ako nagulat dahil ineexpect ko na nandito lang siya.
"Saan ba kasi siya nagpunta? Hindi man lang siya nagsabi o nagtext man lang" dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko at tumitig lang sa kawalan.
"Wala rin kasi kaming Idea kung nasaan siya. Ngayon niya lang kasi ginawa to"
Binigyan ko lang siya ng isang buntong hininga. Ano ba kasi talaga ang nangyayari? Kung may problema naman siya andito lang ako pwede naman naming sabay na sosolusyonan.
Iniwan ko na si Gab sa rooftop at naglakad na kung saan saan. I tried to contact Hazel but she's not answering. Iniisip ko tuloy baka may mga nasabi siya kay Zach na dahilan kung bakit niya ginagawa to.
Wag naman sana. Malaki na ang tiwala ko kay Hazel at alam kong mali ang iniisip ko.
"Hindi mo pa din ba macontact si Kuya? Asan na kaya yun" tanong ni Phillip habang nagsasampay ng mga nilabhan niyang damit.
Lumipas nanaman ang buong araw walang balita kay Zach. Ang hirap naman niya kasing hanapin. Andito na ako sa Dorm. Tulala, minamasdan kung may magbabago ba sa kulay puting lumang kisame.
"Alam mo sobrang nagtataka ako ha. Kasi tignan mo kasama ko siya halos buong araw nun. Masaya naman siya at wala naman siyang nakukwento na nag away kayo or may kaaway siya. Nakakapagtaka talaga"
![](https://img.wattpad.com/cover/219453327-288-k107421.jpg)
BINABASA MO ANG
Moonlight In Ciudad (BL Story) (Completed)
RomanceRed String Series 1 When they are reborn again, both of them will feel like they have known each other for so long. It's like they have been waiting for their whole life to meet each again. A highschooler named Elijah was meant to meet Kenneth on a...