Chapted 31: Those Smiles

43 6 0
                                    

Chapter 31: Those Smiles

Elijah's POV

Halos apat na araw na ang nakalilipas matapos ang insidente at gulong kinasangkutan namin ni Kenneth na dahilan ng pagkakabaril sakanya. 

Sa ilang araw na yun ganun pa din naman ang pakikitungo niya saakin ......... Malamig. Parang takot na takot siyang magpakita ng emosyon.

Maliban nalang nung gabi na yun. Yung gabi na nadatnan ko siyang masama ang panaginip. Ibang ibang Kenneth yung nakita ko nung araw na iyon. Hindi ko rin alam kung bakit ko siya natawag sa pangalang hindi ko naman kilala. Basta ang alam ko lang nakaramdam ako ng kakaiba nang banggitin niya ang pangalang hindi ko din kilala pero pakiramdam ko matagal ko na siyang alam.

Pinayagan na siya ng doctor na makalabas dahil sa hindi naman malala yung tama ng bala sakanya. Mabuti nalang at walang natamaang mga internal organs niya kaya mas napabilis ang paggaling niya.

Gayunpaman, kinakailangan niya pa ding limitahan yung bawat pagkilos niya. Bawal siyang mapagod at magbuhat ng mabibigat. Bawal din siyang ma stress at kinakailangan niya pa ding magpa follow up check up para malinisan ang kanyang sugat.

It's Monday at maaga akong nagising para pumasok. Isinuot ko na ang aking coat at kinuha ang bag na nakapatong sa study table ko at agad na dumiretso sa pintuan at lumabas na.

"Goodmorning, My Knight." agad na bungad saakin ni Jade nang makalabas ako.

Kaagad na umikot ang mata ko dahil sa sinabi niya sabay tingin sakanya ng masama.

"What? Did I say something wrong?" nagpipigil ng tawang tanong niya.

"Ewan ko sayo." iritang iniwan ko siya at nagmadaling maglakad. Narinig ko pa ang pagtawa niya sa aking likuran.

'My Knight' yeah it is. Yan na ang tawag saakin ng ilan sa school. Paano ba naman kasi simula nang pagpasok ko nung nakaraang linggo sunod sunod ang mga natatanggap kong mga regalo sa locker ko. May chocolates, may shirts, may sapatos and ito ang nakakahiya at nakakairita dahil ang latest gift na natanggap ko nung friday is a boquet of..............condom.

Hayyyy........... Hindi ko alam kung pagsisisihan ko ba ang pagpiling pag stay dito sa school na ito.

Yes. I canceled my resignation letter sa school na ito and ang mga requirements na naipasa ko sa bagong school na dapat papasukan ko. Ewan ko ba. Parang may side saakin na nagsasabing wag akong umalis dito.

And back to the story, why Knight? May gumawa ng isang page social media na spotted kuno na tungkol sa mga estudyante sa campus. Parang secret files ganun pero naka follow doon ang mga prof ng CIS.

Yun na nga, merong post doon na umamin ng feelings for me and he or she called me 'My Knight' on that post. Hindi ko alam kung bakit sa lahat ng mga confession na nagaganap sa page na yun saakin yung nagviral sa buong school.

At hindi pa natapos ang lahat ng yun. Last thursday morning when I was walking on the lobby of our school building. Lahat ng estudyante ay nakatingin nanaman saakin at lahat nakangiti. Until I saw that picture of mine na nakatarpaulin pa at may nakalagay ng 'My Knight'

"Salamat sa paghatid, My Knight." and I literally facepalm.

At iyon ang naghatid kay Jade para matawa na para bang wala ng bukas.

Hindi na bago saakin ang biglaang pagconfess ng mga babae saakin and even some of the boys sa recent school ko. Dahil alam ko kung anong biyaya ang meron ako.

Maputi, matangos ang ilong, fit ang katawan, mabango at bagsak na bagsak ang buhok at kung titignan ay mukha akong Oppa- Yung mga koreanong pogi na tinatawag ng iilan ngayon na mga asawa nila. At higit sa lahat malaki laki to.

Moonlight In Ciudad (BL Story) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon