Pagkarating sa bahay, nagkanya-kanya na kaming hubad ng helmet at ayos ng motor. Pagkababa ko sa akin, nakita ko ang ulo ni Mommy na nakadungaw sa pintuan, plastered is her confused and curious eyes. When our eyes met, she smiled and cutely waved.
Hinubad ko ang helmet ko at bahagyang iniling ang ulo para maayos ang bagsak ng buhok. The ride home was quite relaxing and fun. Masarap ang haplos ng hangin sa mukha, hindi pa heavy traffic. Kaya kahit gaano kabilis ang patakbo, ayos lang at hindi nakakatakot.
"Good evening, Mommy. Nandito kayo ni Dad?" Salubong ko nang humalik ako sa pisngi niya.
"Hmm, all of you have your motorcycles. Why-," naiwang nakabuka ang bibig ni Mommy sa ere nang magsalita si Kuya Tin.
"Don't worry, Mom, we didn't race."
Mommy narrowed her eyes at us. "Then why didn't you bring our driver and our car? That's more convenient than riding your motors, Zeke Martin."
Kuya El laughed. Sinimangutan naman siya ni Kuya Tin at bumaling na uli kay Mommy. "Saying my full name is unnecessary, Mom. We didn't race. Nagkataon lang na hindi kami magkakasama the whole day so we didn't have the chance to be in the car with manong."
Umiling lang si Mommy sa amin.
"Don't worry, hindi po mabilis ang patakbo namin, especially that my friends were riding with them, so we were extra careful," sagot ko sabay marahan na pinisil ang braso ni Mommy.
"Fine. Pumasok na kayo, dinner's ready," ani Mommy.
"Daddy!" Masaya kong bati nang nakita ko siyang nakaupo na sa kabisera ng mahabang dining table.
"Good evening, Luna, anak," aniya nang humalik ako sa kanyang pisngi.
"Done visiting the site, Dad?" si Kuya El nang makaupo kaming lahat. "We didn't know you'd be home tonight."
"Ah! Yes, nags-start na ang tauhan sa site, and so far, maayos naman ang ginagawa. The supervisors were present so there's no need to worry about workers slacking off."
"We don't have those kind of workers, Daddy," I reminded.
Natawa lang siya. "Well, hopefully, anak."
"Bakit nga pala sabay-sabay kayong nakauwi?" si Mommy bago sumubo ng pagkain.
"They went to the café all together. Nagulat nga po ako at naroon sila," sagot ko.
"We weren't busy so we figured to visit her, and fetch her, as well," ani Kuya Tin.
Pabiro akong umirap. "More like, bwisitin, Mommy!"
Napangiti ang kambal nang marinig ang sumbong ko. I glared at them.
"They keep on teasing me at work," pailing-iling na sabi ko. Daddy gave a hearty laugh, placing his hand on his chest as he looked up.
"You boys, you always take the chance to annoy your sister," patango-tango ako sa sinabi ni Daddy.
"Totoo, Daddy! Si Kuya El lang ang behave sa kanilang apat. Siya lang talaga ang mabait!" Muli kong binelatan ang tatlong kuya na nang-aasar sa 'kin kanina.
"Tss," si Kuya Shan.
"Lagi mo na lang kinakampihan si Kuya El. Lagi na lang siya ang favorite mo," ani Kuya Mat na humalukipkip na naman at sumandal sa upuan na parang bata.
My jaw dropped at my brother, at binalingan sina Mommy at Daddy. They both laughed at him.
"Ikaw talaga, hijo. Mas bata ka pa kung umakto dito sa bunso niyo."
BINABASA MO ANG
As Promised (Ferrer Series #1)
Novela JuvenilSa buhay na mayroon kang maraming kapatid na lalaki, o Kuya pa nga, siguro hindi na bago ang maranasan ang pagiging protective nila pagdating sa'yo at sa mga lalaking magkakagusto sa'yo. Luna Madelaine Ferrer is the youngest child of Luis Maddeus an...
