I sipped on my wine.
Hindi ako makapaniwala na... sa loob ng isang oras ay magagawa kong balikan ang lahat ng iyon. Hindi pa iyon ang buo pero... hindi pa rin ako makapaniwala.
Narito ako ngayon sa mansion na iniregalo sa 'kin ng mga kapatid ko noong nagtapos ako ng kolehiyo bilang Summa Cum Laude. Tuwang tuwa ang kambal dahil anila'y ginawa ko nga ang hamon ko sa kanila noon na biro lang naman talaga.
Ewan ko rin. Simula noong mangyari ang lahat... wala na akong ibang inatupag kung 'di ang mag-aral. Kaya rin siguro ako naging Summa, dahil puro na lang ako aral.
Wala akong puwang sa firm nina Daddy, dahil hindi naman katulad sa field nila ang natapos ko. Dahil business ang akin, naisip ko na magmanage na lang ng negosyo na pwede kong pagkaabalahan. Pero dahil hindi naman hotel management ang tinapos ko, kinailangan ko ng tulong ng hotelier na pwede akong gabayan sa pagmamanage nitong mansion, si Ate Dom.
Ang mansion'g niregalo sa 'kin ay ginawa kong beach resort. Malaki ito masyado para sa isang tao... at 'di ko rin naman kayang mag-isa. Kaya ginawa kong resort. Hindi ko naman pinarenovate ang kabuuan pero... halos maraming parte ang pinaayos ko. Marami rin ang gastos ko dahil sa pagbili ng mga karagdagang gamit at pagpapaayos. Pero dahil lumago naman ito kalaunan ay nabawi ko ang nawala.
Sitting alone on a table in front of the stage tonight, I watched everyone else get entertained by the live band performing. The night was bright. Bukod sa mga lights na nakasabit sa mga poste rito sa may party area ng resort, naging maingay din ang crowd. Dahil na rin siguro sa banda na nagpeperform ngayong gabi.
"Alam niyo ba..." ani noong vocalist. Napairap ako sa sarili. I really find it cringey when bands do this. Pero hindi ko na pinakielaman pa. Tutal ay manonood lang naman ako.
"Mayroon akong kakilala na kumakanta. Maganda 'yon!" aniya. "Mayroon din siyang youtube channel. Doon niya inu-upload ang mga covers niya. Sabi niya sa 'kin, ginagawa lang niya iyon kapag nababagot siya. O 'di kaya'y kailangang maglabas ng damdamin, lalo na kapag ayaw magsabi ng problema."
Umismid ako. "At guess what, guys? She's here tonight!"
Agad na nakalabit ang kuryosidad ng mga manonood kasama ko, kasabay ay ang paghiyaw ng iilan at palakpakan. Halos lumuwa na ang mga mata ko kakairap dito sa inuupuan ko.
"Maganda ang susunod na kanta. Kaya gusto ko sanang imbitahan siya rito sa stage para samahan akong kantahin iyon. Ayos lang ba iyon?" agad na pumayag ang crowd sa pamamagitan ng pagsagot ng oo, o ng paghiyaw nila.
"Miss Luna?" tawag niya. Umirap akong muli. Sinasabi ko na nga ba! Ang mga pakulo talaga nito! Kailangan pa akong idamay! "Can you join me here, please?"
"Luna? Kapangalan noong may-ari nitong resort!"
"Luna," pakantang tawag noong vocalist. Pang-ilang beses ko na bang umirap ngayon araw? "Gusto ka makita ng crowd, o? Sige na!"
Nagulat ako nang nagsimulang i-chant ng mga tao ang pangalan ko. Ano ba naman itong mga 'to!
Inubos ko ang wine na iniinom at tumayo na. Nang magsidapo ang mga mata nila sa 'kin, agad silang naghiyawan.
Kilala na ako halos ng iba rito dahil dito naman ako nakatira. Bukod pa roon, madalas ang interaksyon ko sa mga nandito sa resort.
"Tss, you're so annoying, Bien," bigkas ko nang makaakyat sa stage. Humalakhak ang kasama ko.
"Everyone, this is Luna, the owner of the resort!" naghiyawan ang mga tao. "Narinig niyo na ba siyang kumanta? Magaling ito! Muntik na nga akong mahulog noong narinig ko siya, e. Kaso... ayaw sa 'kin!"
BINABASA MO ANG
As Promised (Ferrer Series #1)
Ficțiune adolescențiSa buhay na mayroon kang maraming kapatid na lalaki, o Kuya pa nga, siguro hindi na bago ang maranasan ang pagiging protective nila pagdating sa'yo at sa mga lalaking magkakagusto sa'yo. Luna Madelaine Ferrer is the youngest child of Luis Maddeus an...
